Maaaring bukas ay mag-bold muli si Rica
November 12, 2003 | 12:00am
Aalis si Rica Peralejo at pupunta ng Amerika. Isang buwan siyang mawawala na kung saan ay magkakaroon siya ng 11 shows dun. Sa Disyembre 15 na ang balik niya.
"Hindi ako magbabakasyon, noh!" ang sabi niya sa presscon ng Malikmata nung Martes ng hapon. At kahit na puyat na puyat at halos makatulog na sa pagod, pinilit niyang humarap sa press para sa advance promo ng Malikmata, ang pang-MMFFP entry ng Canary Films na magtatampok din kina Dingdong Dantes, Marvin Agustin, Ana Capri at marami pa, sa direksyon ni Jose Javier Reyes.
"Trabaho ang gagawin ko run, isang mabigat na trabaho dahil kung di nyo pa alam, sa US pukpukan ang promo. Kailangan makita ng mga kababayan natin ang mga performers bago sila maniwala at bumili ng tiket. Mayron nang motorcade, bukod sa presscon, meron pa ring personal appearances.
"Dalawang araw na akong walang tulog dahil bukod sa tinapos ko ang taping ng mga last episodes ng Kay Tagal Kang Hinintay, tinapos din namin ang shooting ng Malikmata. Eh, napakahirap ng role ko rito, physically draining.
"After this, mayron pa akong dubbing at shooting ng dance sequences ko para sa "Rated R", ang segment ko sa ASAP Mania.
"Nahihiya nga ako dahil aalis ako. Pero, nakakahiya sa producer dun kung ibibitin ko ang mga shows. Babawi na lang ako pagdating na pagdating ko para sa promo ng Malikmata."
Bakit naman siya masyadong nagpapaka-pagod sa trabaho?
"Sakit na ng pamilya ko ito, lalo na yung mga babae. Workaholic kaming lahat. Ako naman makapag-pahinga lang ng two days, recharged na ako, okay na naman."
Is it true na goodbye na talaga siya sa bold movies?
"For now, oo. Pero, anong malay natin baka in the future ay mayron magandang offer. At kung maganda ang project, maganda ang script at direktor, why not? For now, I want something different," sabi niya.
Pagbabalik niya, isang linggo silang buong mag-anak sa Boracay.
"Dun kami magnu-New Year, lahat kami, mga kapatid ko, asawa ng kapatid ko at mga pamangkin, pati boyfriend ni Paula," sabi niya. "Sinabihan ko na rin lahat ng friends ko na pumunta rin dun para magkasama-sama kaming lahat. Ang saya sigurong makakita ng fireworks sa tabing dagat. First time ko ito kaya excited ako," pagtatapos niya.
Nagsimula na kahapon sa ABS-CBN ang Meteor Fever. Syempre, tampok dito ang F4, at ang pagdating sa bansa ni Jerry Yan. Ito ang itinampok kahapon at ngayong hapon. Bukas, Huwebes, mapapanood ang ABCDEF4, isang reality show type adventure na magtatampok sa apat na F4. Makikita silang iniiwan ang kanilang mga tahanan sa Taiwan para sa mga bagong pakikipagsapalaran mula Singapore hanggang Hongkong.
Mapapanood ang Meteor Fever sa ika-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Susundan ito ng bagong Chinovela na Eternity, 5:30 n.h.
Kasama rin sa Malikmata si Marvin Agustin. Ginagampanan niya ang role ni Patrick Savedra, isang mag-aaral ng law na magpipilit na lutasin ang murder ng kanyang lola na ginagampanan ni Barbara Perez. Kapareha niya si Rica Peralejo, ang clairvoyant girl na tumulong sa kanya para malutas ang kaso.
Unang serious horror ito ni Marvin matapos ang Magandang Hatinggabi. Itinuturing ni Marvin ang kanyang sarili na maswerte dahil after seven years in the movies, nabibigyan pa siya ng magagandang breaks, isang prueba ng kanyang acting ability at bankability.
Isang magandang ehemplo si Marvin kung paano magtagumpay sa pamamagitan ng determinasyon. Hindi hadlang ang kahirapan para siya magtagumpay. He has been establishing himself as a most promising talent in the industry.
Pangarap din niya na maging artista, manunulat at producer ng kanyang movie in the future. May interes din siya sa photography at film directing. Nakapag-direk na siya ng mga music video para sa ABS- CBN.
Sa kasalukuyan, napapanood siya sa Whattamen at Sanay Wala Nang Wakas.
"Hindi ako magbabakasyon, noh!" ang sabi niya sa presscon ng Malikmata nung Martes ng hapon. At kahit na puyat na puyat at halos makatulog na sa pagod, pinilit niyang humarap sa press para sa advance promo ng Malikmata, ang pang-MMFFP entry ng Canary Films na magtatampok din kina Dingdong Dantes, Marvin Agustin, Ana Capri at marami pa, sa direksyon ni Jose Javier Reyes.
"Trabaho ang gagawin ko run, isang mabigat na trabaho dahil kung di nyo pa alam, sa US pukpukan ang promo. Kailangan makita ng mga kababayan natin ang mga performers bago sila maniwala at bumili ng tiket. Mayron nang motorcade, bukod sa presscon, meron pa ring personal appearances.
"Dalawang araw na akong walang tulog dahil bukod sa tinapos ko ang taping ng mga last episodes ng Kay Tagal Kang Hinintay, tinapos din namin ang shooting ng Malikmata. Eh, napakahirap ng role ko rito, physically draining.
"After this, mayron pa akong dubbing at shooting ng dance sequences ko para sa "Rated R", ang segment ko sa ASAP Mania.
"Nahihiya nga ako dahil aalis ako. Pero, nakakahiya sa producer dun kung ibibitin ko ang mga shows. Babawi na lang ako pagdating na pagdating ko para sa promo ng Malikmata."
Bakit naman siya masyadong nagpapaka-pagod sa trabaho?
"Sakit na ng pamilya ko ito, lalo na yung mga babae. Workaholic kaming lahat. Ako naman makapag-pahinga lang ng two days, recharged na ako, okay na naman."
Is it true na goodbye na talaga siya sa bold movies?
"For now, oo. Pero, anong malay natin baka in the future ay mayron magandang offer. At kung maganda ang project, maganda ang script at direktor, why not? For now, I want something different," sabi niya.
Pagbabalik niya, isang linggo silang buong mag-anak sa Boracay.
"Dun kami magnu-New Year, lahat kami, mga kapatid ko, asawa ng kapatid ko at mga pamangkin, pati boyfriend ni Paula," sabi niya. "Sinabihan ko na rin lahat ng friends ko na pumunta rin dun para magkasama-sama kaming lahat. Ang saya sigurong makakita ng fireworks sa tabing dagat. First time ko ito kaya excited ako," pagtatapos niya.
Mapapanood ang Meteor Fever sa ika-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Susundan ito ng bagong Chinovela na Eternity, 5:30 n.h.
Unang serious horror ito ni Marvin matapos ang Magandang Hatinggabi. Itinuturing ni Marvin ang kanyang sarili na maswerte dahil after seven years in the movies, nabibigyan pa siya ng magagandang breaks, isang prueba ng kanyang acting ability at bankability.
Isang magandang ehemplo si Marvin kung paano magtagumpay sa pamamagitan ng determinasyon. Hindi hadlang ang kahirapan para siya magtagumpay. He has been establishing himself as a most promising talent in the industry.
Pangarap din niya na maging artista, manunulat at producer ng kanyang movie in the future. May interes din siya sa photography at film directing. Nakapag-direk na siya ng mga music video para sa ABS- CBN.
Sa kasalukuyan, napapanood siya sa Whattamen at Sanay Wala Nang Wakas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am