^

PSN Showbiz

Robin,mas mahalaga ang pamilya kaysa career !

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naging kaibigang matalik ni Jacky Woo si Robin Padilla kaya naman lagi kaming nagkukwentuhan ng action star sa taping o syuting kung saan ang sentro ng usapan ay tungkol sa kanyang pamilya.

Alam ko kung gaano kahalaga kay Binoe ang kanyang asawa lalo na ang mga anak, kaya nga tuwing may panahon at sa mahahalagang okasyon ay lagi itong sabik na pumunta ng Australia para makapiling ang mag-ina. Maraming magagandang plano ang aktor sa mga anak. Una, ang mapalaki silang mabubuting bata kaya nga inilayo sa intriga ang mga ito at piniling manirahan sa Australia.

Gusto rin ni Binoe na mapagtapos ng pag-aaral ang mga anak kaya nga kahit may offer ay di siya payag na maging artista ang mga ito. Hangad nito na maging matagumpay ang mga anak sa kanilang paglaki at makatapos ng kurso.

Kaya nga tutungo ito ng Australia para magkaayos sila ni Liesel dahil inamin ni Binoe na pinakamahalaga pa rin sa kanya ang kanyang pamilya kesa sa kanyang showbiz career.
Namamayagpag Ang Bold Movies
Ngayong Nobyembre hanggang unang linggo ng Disyembre ay puro bold movies ang ipalalabas. Nauna na ang Liberated, susunod ang Mapanukso, Sex Scandal at Ako, Ikaw at Siya.

Nariyan pa rin ang Babae sa Breakwater at Biktima. Puro mga bagong mukha ng mga hubadera ang ipinakikilala sa mga nabanggit na pelikula. Maliit lang kasi ang production cost ng mga ganitong klase ng pelikula at kumikita naman ang prodyuser kahit paano lalo na kapag ipinalabas ito sa mga probinsya.

Naghahanda na rin kasi ang mga movie companies sa pagpasok ng kanilang entries sa Metro Manila Film Festival.

Sa pagpasok ng taon ay bold movies pa rin ang nakalinya gaya ng U Belt, Maginoo Pero Bastos, Sa Silong ni Kaka at Tatlong Pari.

Ang tanging wholesome ay ang Annie B. ng Viva Films na sa huling linggo ng Enero ipalalabas.

Umaasa kami sa mga prodyuser na gumawa ng makabulahang mga pelikula hindi lang tuwing may film festival.
Gardo,Jobless
Sa presscon ng Ang Babae sa Breakwater ay may nagtanong kung bakit namayat ng husto si Gardo Verzosa? "Wala kasing makain, walang trabaho kaya nangayayat ako. Pero hindi naman ako nagsa-shabu ha? Mabuti na lang at napasama ako sa pelikulang ito at kinuha ng Entertainment Warehouse para maging lead villain nila," aniya.

Ayon pa rin sa mapagbirong aktor ay isang pilay ang papel na ginampanan niya sa pelikula kaya nagsanay siyang gumamit ng saklay. "First time kong walang foundation na ginamit sa mukha ko sa movie. Walang retouch-retouch dahil kailangang maging convincing yung role ko," dagdag pa ni Gardo.

Natutuwa ang aktor dahil isa itong matinong pelikula at hindi tinipid ang budget ng mga bagong prodyuser. Higit sa lahat, balak ni Direk Mario O’Hara na isali ito sa international film market for exhibition o competition.
Dingdong, Di Takot Sa Exposure
Maraming nagtatanong kung bakit maraming show sa Syete si Dingdong Dantes. Malakas ba ito sa mga GMA?

Ayon sa manager nitong si Perry ay wala namang padrino si Dingdong sa Channel 7. Naniniwala ito na pareho lang naman ang treatment sa lahat ng talent ng network.

Hindi ba natatakot sa over exposure ang young actor kung saan bukod sa Twin Hearts at StarStruck ay ratsada pa rin ito sa mga TV guesting?

"Hindi naman puro acting lang ang ginagawa ko. Nagdidirek din ako minsan at nagho-host sa mga beauty pageant. So walang dahilan para magkaroon ng over exposure dahil iba-iba naman ang trabaho ko," aniya.

Kahit hectic ang schedule ni Dingdong ay may time pa rin ito sa kanyang sarili at nakiki-gimik pa rin sa kanyang mga barkada.

ANG BABAE

ANNIE B

AYON

DI TAKOT SA EXPOSURE

DINGDONG DANTES

DIREK MARIO O

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with