Nagpoprodyus din si Joan ng concert at tatlong beses na niyang kinuha si Gabby para sa concert para sa Filipino community doon. Sabi nga ni Natalie na close din sa actor, talagang nahasa na sa pag-awit ang actor. Sabi ko naman kay Natalie ay hindi naman kagandahan ang boses nito noong nasa Pilipinas pa. "Tita, ang galing-galing niyang kumanta kaya maraming nanonood sa kanya roon at magaling din siyang mag-host bukod pa sa pag-awit," anang balikbayan.
Wala pa rin daw balak magbalikbayan ang aktor pero ayon sa aking kausap ay proud na proud ito sa kanyang anak na si KC Concepcion.
Bukod sa galing umawit ay maasahan din ito sa pagsasayaw. Malamang na sa tagumpay ng concert ni Aubrey ay magkasunud-sunod na ang kanyang mga shows. Huwag lang sana siyang magpakabaliw sa pag-ibig dahil may potensyal siya di lang sa pag-awit kundi gayundin sa pagganap.
Nagwo-work-out si Priscilla at nagda-diet bilang paghahanda sa paglabas muli sa stageplay na pinamagatang Butterflies Are Free na mapapanood this December.
Namimili na siya ng tamang proyekto ngayon at ayaw nang maghubad dahil sa anak na babae. Ang bentahe ni Priscilla ay marunong itong kumanta kaya hindi nababakante sa mga out-of-town shows gayundin sa abroad habang wala pang movie offer.
Palaban na rin ito sa mga maiinit na eksena sa Sex Scandal bilang isa sa mga bidang babae.
Hindi pa rin niya malimutan ang naipong P800,000 mula sa kinita sa showbiz na ininvest sa MMG Holdings pero nagsara na kaya nauwi sa wala ang pinagpagurang pera. Kaya ngayon ay magsisimula na naman siyang mag-ipon at swerte naman dahil gumaganda ang kanyang career.
Role ng isang local beauty queen na nabiktima ng kanyang boyfriend si Allen Dizon na isang pornographer na ang propesyon ay nauukol sa VCD sex trading o prostitusyon ang role ni Danna sa Sex Scandal.
Prodyus ang pelikula ng Sacramento Films pero iri-release ng Angora Films at mapapanood sa November 19.
Ngayon ay masusubukan ang tapang ng mga manonood sa pelikulang The Wisher kung saan iikot ang istorya sa teenager na si Mary na binabagabag ng bangungot at paglalakad habang natutulog.
Minsan ay nanonood sila ng sine ng mga kaibigan at nahintakutan matapos manood dahil naglalaro lagi sa isipan ang mukha ng pangunahing karakter sa The Wisher. Maraming trahedya ang dumating sa buhay nito kabilang na ang pagkamatay ng ama sa isang aksidente. Ang kanyang kahilingan ay napagbibigyan sa malagim na paraan.
Kasabay din ng pagpapalabas nito ang isang pelikula ng tinaguriang love song sa siyudad ng Delhi sa India. Itoy punumpuno ng musika (kabilang na ang ghazals traditional love songs) modern Indian pop at jazz na nakatulong para mailarawan ang marangyang kasalan.
Ang Moonsoon Wedding ay nagpapakita ng kagandahan ng kultura ng isang bansa na walang bahid sa kolonyalismo.
Kaya matapos mahintakutan sa The Wisher panoorin naman ang Moonsoon Wedding para maaliw tungkol sa isang masayang pamilya at ganda ng tanawin sa India.