Hanggang ngayon ay magka-text pal pa rin daw ang dalawa. Pero may nobya si Vic at imposibleng may mamuong relasyon sa kanila ng TV host.
Sa buwang ito ay guest sa isang episode ng Daddy Di Do Du si Kris kaya inaasahan nang may mang-iintriga sa dalawa.
"Kahit alam niyang may relasyon na sina Vanessa at ang asawa niya ay hindi siya nagwala at idinaan na lang ang lahat sa pagdarasal. Shes a deeply religious person kaya siguro kahit anong bigat ng problema ay nalulusutan niya. Halos 10 years niyang ipinagdarasal na sanay mag-work-out ang marriage nila ni John pero nagkahiwalay din. Pero ngayon ay tinanggap niya ang lahat at naka-recover na siya. Sinusundo ni John ang kanyang mga anak pag-weekend at ipinapasyal sila," sey ng mommy ni Janice.
Kapag busy si Janice ay ang mommy niya ang nag-aasikaso sa mga anak dahil sa iisang condo lang naman sila nakatira. Ang mga magulang niya ay nasa fifth floor at si Janice naman at mga anak ay nasa ninth floor.
May music room sina Mommy Susan at madalas doon ang mga anak ni Janice kaya lahat ay magagaling kumanta kahit pa ang youngest na si Yuan na carbon copy ni John.
Maganda rin ang relasyon ni Gelli sa kanyang mga in-laws sa Canada ayon pa kay Mommy Susan.
Swerte nga sa kanya ang baby dahil ratsada ngayon ang singing career niya.
Hindi lang sa singing career humahataw si Jessa kundi may ilang negotiation na para sa kanyang pagbabalik-pelikula sa tulong ng manager na si Manny Valera. Ayon sa aktres ay nami-miss din niya ang paggawa ng pelikula.
Sa kabilang banda, enjoy si Jessa sa pagiging ina at kapag may recording o show ay gusto nang makauwi agad ng bahay para makita ang kanyang baby. Tuloy na rin ang pagtakbo ni Dingdong bilang Congressman ng Siquijor province.