^

PSN Showbiz

Vic,Kris panay ang text sa isa't isa

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Mayor Joey Marquez sa balitang si Vic Sotto naman ngayon ang nagsisilbing tagapayo ni Kris Aquino?

Hanggang ngayon ay magka-text pal pa rin daw ang dalawa. Pero may nobya si Vic at imposibleng may mamuong relasyon sa kanila ng TV host.

Sa buwang ito ay guest sa isang episode ng Daddy Di Do Du si Kris kaya inaasahan nang may mang-iintriga sa dalawa.
* * *
Matagal naming nakakwentuhan si Mrs. Susan de Belen, butihing ina ni Janice at sinabi niyang hanga siya sa katatagan ng loob ng anak lalo na noong kasagsagan ng paghihiwalay nila ni John Estrada.

"Kahit alam niyang may relasyon na sina Vanessa at ang asawa niya ay hindi siya nagwala at idinaan na lang ang lahat sa pagdarasal. She’s a deeply religious person kaya siguro kahit anong bigat ng problema ay nalulusutan niya. Halos 10 years niyang ipinagdarasal na sana’y mag-work-out ang marriage nila ni John pero nagkahiwalay din. Pero ngayon ay tinanggap niya ang lahat at naka-recover na siya. Sinusundo ni John ang kanyang mga anak pag-weekend at ipinapasyal sila," sey ng mommy ni Janice.

Kapag busy si Janice ay ang mommy niya ang nag-aasikaso sa mga anak dahil sa iisang condo lang naman sila nakatira. Ang mga magulang niya ay nasa fifth floor at si Janice naman at mga anak ay nasa ninth floor.

May music room sina Mommy Susan at madalas doon ang mga anak ni Janice kaya lahat ay magagaling kumanta kahit pa ang youngest na si Yuan na carbon copy ni John.
Ariel, Maipagkakapuring Asawa
Puring-puri naman ni Mommy Susan sa kabilang banda si Ariel Rivera dahil naging mabuting ama ito at asawa ni Gelli. Wala itong problema kay Ariel dahil naging tapat ito sa kanya. Homebody din ito at mas gusto pang nasa bahay kapag walang taping.

Maganda rin ang relasyon ni Gelli sa kanyang mga in-laws sa Canada ayon pa kay Mommy Susan.
Nag-Iba Ang Pananaw Sa Buhay
Ibang-iba na ngayon si Jessa Zaragoza, puno ng buhay at hindi na supladita ang dating. After four months matapos makapagsilang ng kanilang first baby ni Dingdong Avanzado na si Janelle Amanda Loyola-Avanzado ay higit itong gumanda at hindi nagbago ang seksing pangangatawan.

Swerte nga sa kanya ang baby dahil ratsada ngayon ang singing career niya.

Hindi lang sa singing career humahataw si Jessa kundi may ilang negotiation na para sa kanyang pagbabalik-pelikula sa tulong ng manager na si Manny Valera. Ayon sa aktres ay nami-miss din niya ang paggawa ng pelikula.

Sa kabilang banda, enjoy si Jessa sa pagiging ina at kapag may recording o show ay gusto nang makauwi agad ng bahay para makita ang kanyang baby. Tuloy na rin ang pagtakbo ni Dingdong bilang Congressman ng Siquijor province.

vuukle comment

ARIEL RIVERA

DADDY DI DO DU

DINGDONG AVANZADO

GELLI

JANELLE AMANDA LOYOLA-AVANZADO

JANICE

JESSA

JESSA ZARAGOZA

MOMMY SUSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with