Pati costume ng anak sa pelikula,ibinenta ng nanay sa second hand shop !
November 8, 2003 | 12:00am
May ilan kaming kasamahang peryodista at maging ang manunulat at assistant director na si Jojo Lapuz ay tumawag sa amin at binabati kami dahil sa aming comment tungkol sa video piracy na lumabas nga rito sa Isyu at Banat. Sabi nila, namulat daw ang kanilang mga mata na ganoon na nga pala kalaganap ang problema.
Ang isa pang mabigat na problemang sinasabi namin tungkol sa piracy, ang hinuhuli lang nila ay ang nagtitinda eh, papaano iyong talagang nagnanakaw ng pelikula?
Bibigyan namin kayo ng example ng napaka-simpleng kaso na walang nangyari. Sinimulan ni Sunshine Cruz ang pelikulang Dukot Queen pero hindi niya iyon tinapos. Ang producer ng pelikula ay ang Viva, pero ang sinasabi nila na ang kanyang exposed materials ay nasa Roadrunner.
Iyong sex scenes nina Sunshine at Jay Manalo ay lumabas sa pirated video. Ang tanong, saan nila nakuha ang kopya? Limitado na lang sana ang imbestigasyon. Kung hindi sa producers, nasa laboratoryo. Pero pinag-usapan lang sandali, wala silang nahuli at walang naparusahan kahit na sino sa pangyayaring iyon. Maliwanag na inside job iyon eh, pero sino nga ang may kagagawan?
Kung sila mismo na dapat gumagawa ng imbestigasyon ay walang interest, papaano mo mapipigil ang piracy kahit na pasagasaan mo pa sa pison ang lahat ng mga VCD at DVD na hindi na mabili at siyang nakukumpiska sa mga raid?
Dapat ipakita natin na seryoso tayo sa paglaban sa piracy kung talagang gusto nating labanan iyan. Iyon lang kaso ni Sunshine, hindi lang piracy iyon. Pang-aapi yun sa isang artista, pero wala silang nagawa. Ano pa nga ba ang aasahan ninyo?
Hindi namin alam kung paniniwalaan namin ang kwento ng isa naming kasamahan na mas kumita raw ang bold na pelikula ni Maye Tongco kaysa pelikula ng mga young stars ng network na sister company ng Meralco at Maynilad. Sabi nga namin, tiyak na hindi papayag sa ganyang klase ng kwento ang mga taga-sister company ng Meralco.
Pero marami nga ang nagsasabing totoo, at siguro kung iisipin mo ngang napakamura ng pelikula ni Tongco, at hindi sila nagpalabas ng isang damukal na trailer sa TV, doon lang sa natipid nila bale malaki na ang kita.
Napakahilig pala ng nanay ng isang female star na magbenta ng mga damit sa mga second hand shops. Basta raw nakaipon na ng damit ang anak, na karaniwan ay galing sa mga sponsors, asahan mo tatawagan na ng nanay ang kanyang buyer ng used clothing at ibebenta nang lahat iyon.
Pero minsan ay napahamak siya. Akalain ba naman ninyong pati costume sa pelikula ay ibinenta ng nanay ng female star? Talagang isinumpa siya ng production designer ng pelikula dahil sa ginawa niyang iyon. Pati costume ibinenta?
Ang isa pang mabigat na problemang sinasabi namin tungkol sa piracy, ang hinuhuli lang nila ay ang nagtitinda eh, papaano iyong talagang nagnanakaw ng pelikula?
Bibigyan namin kayo ng example ng napaka-simpleng kaso na walang nangyari. Sinimulan ni Sunshine Cruz ang pelikulang Dukot Queen pero hindi niya iyon tinapos. Ang producer ng pelikula ay ang Viva, pero ang sinasabi nila na ang kanyang exposed materials ay nasa Roadrunner.
Iyong sex scenes nina Sunshine at Jay Manalo ay lumabas sa pirated video. Ang tanong, saan nila nakuha ang kopya? Limitado na lang sana ang imbestigasyon. Kung hindi sa producers, nasa laboratoryo. Pero pinag-usapan lang sandali, wala silang nahuli at walang naparusahan kahit na sino sa pangyayaring iyon. Maliwanag na inside job iyon eh, pero sino nga ang may kagagawan?
Kung sila mismo na dapat gumagawa ng imbestigasyon ay walang interest, papaano mo mapipigil ang piracy kahit na pasagasaan mo pa sa pison ang lahat ng mga VCD at DVD na hindi na mabili at siyang nakukumpiska sa mga raid?
Dapat ipakita natin na seryoso tayo sa paglaban sa piracy kung talagang gusto nating labanan iyan. Iyon lang kaso ni Sunshine, hindi lang piracy iyon. Pang-aapi yun sa isang artista, pero wala silang nagawa. Ano pa nga ba ang aasahan ninyo?
Pero marami nga ang nagsasabing totoo, at siguro kung iisipin mo ngang napakamura ng pelikula ni Tongco, at hindi sila nagpalabas ng isang damukal na trailer sa TV, doon lang sa natipid nila bale malaki na ang kita.
Pero minsan ay napahamak siya. Akalain ba naman ninyong pati costume sa pelikula ay ibinenta ng nanay ng female star? Talagang isinumpa siya ng production designer ng pelikula dahil sa ginawa niyang iyon. Pati costume ibinenta?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am