Tagumpay ni Annie B.,kaya bang gawin ni Jolina ?
November 7, 2003 | 12:00am
Sa palagay namin, hindi makakatulong kung di magiging disadvantage pa ni Jolina Magdangal ang ginamit na titulo ng kanyang pelikula. Walang dudang iisipin nga ng iba na remake iyon ng pelikula ni Nora Aunor na Annie Batungbakal. In the first place, sinasabi naman kasi nila noong una na batay iyon doon.
Noong gawin ni Nora Aunor ang pelikulang Annie Batungbakal, medyo malamig ang kanyang career dahil mahihina ang sinundang pelikula. Puro kasi art film ang ginawa niya noon, na kahit na nga si Nora Aunor, hindi naman nakabatak ng market. Kaya nang muli siyang gumawa ng isang fan movie, iyon ngang Annie Batungbakal, iyon ay naging isang napalaking hit. Isipin ninyo noong panahong iyon, dose pesos lang ang bayad sa sine, pero kumita siya ng mahigit na dalawangdaang libo sa unang araw. Huwag kayong magtawa dahil iilan lang ang mga sinehan noon. Kaya basta kumita ng ganoon ang isang pelikula, phenomenal hit na iyon.
Pero maraming factors eh. Una, noon ay hit na hit ang kantang "Annie Batungbakal". Hindi rin maikakaila na mainit noon sa fans ang baguhang leading man ni Nora Aunor na si Lloyd Samartino.
Bukod doon, todo naman ang publisidad ng pelikulang iyon, dahil alam naman ninyo noong araw, basta Nora Aunor big news iyan.
Iyan ang mga bagay na mahihirapan nga sigurong magawa ngayon sa pelikula ni Jolina. Kung ang inaasahan nila ay mabubuhay niya ang isang luma nang character sa pamamagitan ng ibat ibang kulay ng buhok o kung anu-anong burloloy, baka mahirapan siya, at hindi rin maiiwasan na maikumpara ang kanyang pelikula at ang magiging resulta noon sa original na Annie Batungbakal. Mahirap yatang pantayan.
Sabi nila, halatang-halata raw iyong mga artista na hindi man inaalok ay halata mong gustung-gustong kumandidato sa darating na eleksyon. Pero ang maipapayo nga namin sa kanila, dapat ay mag-isip munang mabuti. Ano nga ba ang nalalaman nila at magagawa nila para sa bayan?
Kung ang gagawin nila ay pumorma lamang sa kongreso, kagaya nga nang ginawa ng ilang mga artistang nanalo ng posisyon noong mga nakaraang panahon, huwag na lang. Kung ang masasabi lamang sa kongreso o sa senado ay iyong pagtatawanan lang ng publiko, sana naman ay huwag na silang tumuloy.
Mas maraming magagawang mahusay ang mga artista kaysa kumandidato.
Nagsisimula na raw magrebelde sa kanyang manager ang isang aktor, panay daw ang reklamo noon na hindi siya inihahanap ng trabaho ng kanyang manager. Nasanay kasi siya noon na sunud-sunod ang pelikula niya, eh kaso nalaos siya agad. Alam naman ninyo ang mga artista, basta naghubad na iyan ay bilang na ang araw niyan. Hindi dapat ang manager ang kanilang sinisisi sa ganyang sitwasyon. Walang kumuha sa kanila eh.
Noong gawin ni Nora Aunor ang pelikulang Annie Batungbakal, medyo malamig ang kanyang career dahil mahihina ang sinundang pelikula. Puro kasi art film ang ginawa niya noon, na kahit na nga si Nora Aunor, hindi naman nakabatak ng market. Kaya nang muli siyang gumawa ng isang fan movie, iyon ngang Annie Batungbakal, iyon ay naging isang napalaking hit. Isipin ninyo noong panahong iyon, dose pesos lang ang bayad sa sine, pero kumita siya ng mahigit na dalawangdaang libo sa unang araw. Huwag kayong magtawa dahil iilan lang ang mga sinehan noon. Kaya basta kumita ng ganoon ang isang pelikula, phenomenal hit na iyon.
Pero maraming factors eh. Una, noon ay hit na hit ang kantang "Annie Batungbakal". Hindi rin maikakaila na mainit noon sa fans ang baguhang leading man ni Nora Aunor na si Lloyd Samartino.
Bukod doon, todo naman ang publisidad ng pelikulang iyon, dahil alam naman ninyo noong araw, basta Nora Aunor big news iyan.
Iyan ang mga bagay na mahihirapan nga sigurong magawa ngayon sa pelikula ni Jolina. Kung ang inaasahan nila ay mabubuhay niya ang isang luma nang character sa pamamagitan ng ibat ibang kulay ng buhok o kung anu-anong burloloy, baka mahirapan siya, at hindi rin maiiwasan na maikumpara ang kanyang pelikula at ang magiging resulta noon sa original na Annie Batungbakal. Mahirap yatang pantayan.
Kung ang gagawin nila ay pumorma lamang sa kongreso, kagaya nga nang ginawa ng ilang mga artistang nanalo ng posisyon noong mga nakaraang panahon, huwag na lang. Kung ang masasabi lamang sa kongreso o sa senado ay iyong pagtatawanan lang ng publiko, sana naman ay huwag na silang tumuloy.
Mas maraming magagawang mahusay ang mga artista kaysa kumandidato.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended