Sa tulong ng make-up, costume at camera lighting, nagmistulang isang tunay na Intsik na babae si Zsazsa, mahiyain at sunud-sunuran sa kagustuhan ng magulang at asawa. Bukod sa pagiging kamukha ng character niyang si Lu Shui, pumasok din ito sa katauhan ni Zsazsa, ang babaing may nakatagong tapang at lakas.
Sa Mano Po 2, entry ng Regal sa MMFFP, sina Zsazsa at Christopher ang ipinagkasundo ng kanilang magulang na ipakakasal. Pero iniwan siya ni Christopher sa Shanghai, pumunta ito ng Maynila na hindi siya pinakakasalan. Sa Maynila, umibig si Christopher sa isang Pinay, si Sol (Susan Roces) at pinakasalan niya ito. Nagbalik siya ng China, pinilit ng magulang niya na pakasalan si Lu Shui (Zsazsa). Pakakasal din ito kay Belinda (LT), isang Chinese mestisa.
Si Karylle ang gaganap na anak ni Zsazsa sa MP2.
Ang MP2 ay sinulat mismo ni Mother Lily Monteverde at nasa direksyon ni Erik Matti.
Ang isa pa ay ang comedy na Gagamboy, isang pelikula na kumbaga sa isda ay naglalagay sa kanya sa isang lugar na walang tubig pero nakakaya niyang mag-survive. Pag-aagawan siya ng dalawang may super powers, sina Gagamboy at Ipisman at ang ganda lamang niya ang pangtapat niya sa mga ito.
"Bongga nga eh. I just play a normal person who unwittingly has power over men supposed to have super powers. Yon ay totoong girl power, di ba?" asks Aubrey.
Finally, bati na sina Aubrey at Mother Lily.
"Hindi ako nakikipag-away sa mga artista ko, no! Bahala sila!" sabi naman ng Matriarch ng Regal.