Vhong,ayaw matawag na counteroart ni Aiai
November 6, 2003 | 12:00am
Noong Huwebes, habang hinihintay ko si Bea Alonzo sa Cork Wine & Grill sa The Loop para makipag-lunch ay dumating si Jericho Rosales. May taping ito para sa Sanay Wala Nang Wakas na sa ABS-CBN din ang location. Malayo pa lang ay nakangiti na ito. Alam siguro ng binata na may kukulitin na naman ako sa kanya.
Paglapit nito, hindi ko na pinatagal pa ang kumustahan. Kinumusta ko ang binata kung totoo na nagkakamabutihan sila ni Kristine Hermosa. Isang napakatamis na ngiti ang sinukli nito sa amin. "Alam mo naman, John (tawag sa akin ni Echo), very special sa akin si Tin. Alam namin na lagi kaming andiyan para sa isat isa. Yeah, weve been going out," kumpisal ni Echo.
Ayon pa kay Echo, if and when maging sila muli ni Kristine, magiging iba na raw ang pananaw nila sa kanilang relasyon. Sa panahon na hindi sila, marami raw siyang na-realize. Pareho na raw silang nag-mature. Aware rin si Echo na marami talaga ang umaasa na magkabalikan sila ni Tin.
"Mas maganda na mas nagkakaintindihan na kaming dalawa lang. Mas gusto ko na mas alam namin ang papasukan namin. Well make sure na mas magiging masaya kami ngayon."
Ngayon pa lang ay inaabot na ng tensyon si Vhong Navarro. Malapit na kasing ipalabas ang launching movie niya, ang Mr. Suave under Star Cinema. Mula sa original na playdate, mas mapapaaga ang showing nito. Sa November 19 na ang showing ng movie.
Lalo pang inaabot ng tensyon si Vhong kapag sinasabi na siya ang male version ni Aiai delas Alas. "Huwag pong ganon," reaksyon ng very humble na komedyante. "Nakakatakot ang pressure kapag may ganong expectations. My goodness, box-office queen yun no!"
Natutuwa si Vhong kapag may lumalait sa kanya at nagsasabing natatawa sila sa movie niya. Sa ngayon kasi ay ipinalalabas na ang trailer nito sa mga sinehan. Ang lakas din ng dating ng hiyawan ng tao nang ipalabas ang trailer nito sa premiere night ng My First Romance sa SM Megamall.
"Ginawa ko lahat dito. Para akong sira ulo sa movie. Lahat ng klase ng pagpapatawa, ginawa namin. Kahit ako kasi natatawa sa mga eksena sa movie. Plus bigyan ka pa ng mahuhusay na co-stars. Basta ang masasabi ko lang, mag-i-enjoy sila sa pelikula. Pinaganda talaga ni Direk Joyce Bernal ang movie," paniguro ni Vhong.
Kuwela rin ang support stars ni Vhong sa kanyang launching movie. Kasama rito sina Long Mejia, Dagul, Angelica Jones at introducing si Hottah Hottah Guy Juddha Paolo. Dinirek ito ni Joyce Bernal.
Ngayon pa lang ay umiinit na ang labanan ng sampung finalists ng Star In A Million na kinabibilangan nina Christian Bautista, Gayle Dizon, Czarina Rosales, Marinelle Santos, Michelle San Miguel, Sheryn Regis, Teresa Garcia, Johann Escanan, Eric Santos at DK Tijam. Matinding paghahanda ang ginagawa ng mga finalists at staff ng show para sa kanilang pilot episode sa Sabado, November 8, 5:30 ng hapon. Mula kasi sa isang segment sa ASAP Mania ay isa na itong full-length show.
"Madugo ang preparations," sabi sa amin ni Ms. Bec Lami, executive producer ng show. "Medyo biglaan kasi ang announcement, eh. But weve no choice to give it our best. Mataas ang expectations ng tao sa show namin kaya kailangang ibigay. So far, madugo but we hope well pull it off on Saturday."
Kung tutuusin, ang swerte ng sampung finalists ng Star In A Million. Ilan sa kanila ay kasama na sa ilang CD na ni-release ng Star Cinema. Like sina DK Tijam at Gayle Dizon, kasama sa album na "Weekend Love", isang compilation of love songs ng Star Records.
May mga music videos na rin ang ilan sa kanila. Nakapag-guest na rin sila sa ibat ibang programs ng ABS-CBN. Alam nyo ba na ito lang yata ang singing search na naga-undergo pa ng workshop ang mga candidates?
"So when they get to perform, pro na pro na ang dating nila. Performers na talaga," dagdag pa ni Ms. Lami.
In the many occasions na napanood at narinig ko ang sampung finalists, may personal bet na ako who is most likely to be the winner. Sa December ang grand finals nito.
Star In A Million will be hosted by Zsazsa Padilla, Ryan Agoncillo and Edu Manzano. For the pilot episode, ang bubuo ng board of judges ay sina Cherie Gil, Mel Villena at Mitch Valdez. Si Bobet Vidanes ang direktor ng show.
For your comments and reactions, you can email me at ericjohn [email protected].
Paglapit nito, hindi ko na pinatagal pa ang kumustahan. Kinumusta ko ang binata kung totoo na nagkakamabutihan sila ni Kristine Hermosa. Isang napakatamis na ngiti ang sinukli nito sa amin. "Alam mo naman, John (tawag sa akin ni Echo), very special sa akin si Tin. Alam namin na lagi kaming andiyan para sa isat isa. Yeah, weve been going out," kumpisal ni Echo.
Ayon pa kay Echo, if and when maging sila muli ni Kristine, magiging iba na raw ang pananaw nila sa kanilang relasyon. Sa panahon na hindi sila, marami raw siyang na-realize. Pareho na raw silang nag-mature. Aware rin si Echo na marami talaga ang umaasa na magkabalikan sila ni Tin.
"Mas maganda na mas nagkakaintindihan na kaming dalawa lang. Mas gusto ko na mas alam namin ang papasukan namin. Well make sure na mas magiging masaya kami ngayon."
Lalo pang inaabot ng tensyon si Vhong kapag sinasabi na siya ang male version ni Aiai delas Alas. "Huwag pong ganon," reaksyon ng very humble na komedyante. "Nakakatakot ang pressure kapag may ganong expectations. My goodness, box-office queen yun no!"
Natutuwa si Vhong kapag may lumalait sa kanya at nagsasabing natatawa sila sa movie niya. Sa ngayon kasi ay ipinalalabas na ang trailer nito sa mga sinehan. Ang lakas din ng dating ng hiyawan ng tao nang ipalabas ang trailer nito sa premiere night ng My First Romance sa SM Megamall.
"Ginawa ko lahat dito. Para akong sira ulo sa movie. Lahat ng klase ng pagpapatawa, ginawa namin. Kahit ako kasi natatawa sa mga eksena sa movie. Plus bigyan ka pa ng mahuhusay na co-stars. Basta ang masasabi ko lang, mag-i-enjoy sila sa pelikula. Pinaganda talaga ni Direk Joyce Bernal ang movie," paniguro ni Vhong.
Kuwela rin ang support stars ni Vhong sa kanyang launching movie. Kasama rito sina Long Mejia, Dagul, Angelica Jones at introducing si Hottah Hottah Guy Juddha Paolo. Dinirek ito ni Joyce Bernal.
"Madugo ang preparations," sabi sa amin ni Ms. Bec Lami, executive producer ng show. "Medyo biglaan kasi ang announcement, eh. But weve no choice to give it our best. Mataas ang expectations ng tao sa show namin kaya kailangang ibigay. So far, madugo but we hope well pull it off on Saturday."
Kung tutuusin, ang swerte ng sampung finalists ng Star In A Million. Ilan sa kanila ay kasama na sa ilang CD na ni-release ng Star Cinema. Like sina DK Tijam at Gayle Dizon, kasama sa album na "Weekend Love", isang compilation of love songs ng Star Records.
May mga music videos na rin ang ilan sa kanila. Nakapag-guest na rin sila sa ibat ibang programs ng ABS-CBN. Alam nyo ba na ito lang yata ang singing search na naga-undergo pa ng workshop ang mga candidates?
"So when they get to perform, pro na pro na ang dating nila. Performers na talaga," dagdag pa ni Ms. Lami.
In the many occasions na napanood at narinig ko ang sampung finalists, may personal bet na ako who is most likely to be the winner. Sa December ang grand finals nito.
Star In A Million will be hosted by Zsazsa Padilla, Ryan Agoncillo and Edu Manzano. For the pilot episode, ang bubuo ng board of judges ay sina Cherie Gil, Mel Villena at Mitch Valdez. Si Bobet Vidanes ang direktor ng show.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am