Vilma Santos nag-birthday sa mga programa ng Dos
November 5, 2003 | 12:00am
Pinatunayan ni Vilma Santos ang kanyang pagiging isang kapamilya ng ABS-CBN. Pinaunlakan niya ang imbitasyon na i-celebrate ang kanyang birthday (her birthday was last November 3) sa ibat ibang programa ng ABS-CBN. Una niya itong sinelebreyt sa Sharon noong Sunday. Nag-remote broadcast ang show sa The Farm, isang napakagandang resort sa Batangas. Naka-devote ang buong episode kay Ate Vi. Nagustuhan ko rin ang one-on-one interview ni Sharon kay Ate Vi. Sinagot nito even the most controversial issue sa kanya.
Ate Vi pala has three options kung ano ang gagawin niya sa nalalapit na eleksyon. Isa sa nagulat ay ako nang aminin niya na pwede rin siyang di na tumakbo sa nalalapit na eleksyon.
Impressed ako sa magandang tahanan ni Ate Vi. May segment kung saan inilibot ni Ate Vi si Sharon sa kabuuan ng kanyang tahanan.
Kinabukasan naman, sa Masayang Tanghali Bayan ay ginanap ang show sa Lipa, Batangas. Sinuportahan ng mga taga-Lipa at ng mga karatig-bayan ang show. Present to give moral support si Senator Ralph Recto at pamilya ni Ate Vi.
Ngayong umaga, sa Morning Girls With Kris & Korina ay birthday episode ni Ate Vi. Tiyak na exciting ito lalo pat self-confessed Vilmanians ang mga hosts na sina Kris at Korina. Marami raw surprises na inihanda ang show para kay Ate Vi.
At ang pinaka-good news lalo na sa mga Vilmanians ay ang pagsasakatuparan ang TV special ni Ate Vi early next year. Go signal na lang at availability ng Star For All Seasons ang hinihintay ng ABS-CBN.
Isa si Malu Sevilla sa pinakamahusay na TV director na naiprodyus ng ABS-CBN. Hindi naging mabilis ang pag-akyat sa tagumpay ni Direk Malu. Pinagdaanan niya ang lahat ng hirap sa produksyon bago naging isang director. Ang isa lang sa ipinagmamalaki niya, isa siya sa mga nabigyan ng pagkakataon na dumaan sa training under TV genius Johnny Manahan.
She was also sent by ABS-CBN sa States para mag-aral ng film and TV direction. From then on, naging assistant director na siya ni Mr. M sa Ang TV at doon na nagsimula ang lahat.
Nabigyan siya ng pagkakataon na idirek ang Kaybol, Ang Bagong TV at nasundan ito ng Tabing Ilog na umabot ng limang taon. Siya rin ang naging director ng soap operang Bituin.
Napakaraming memorable episodes sa Maalaala Mo Kaya ang dinirek ni Direk Malu. Nariyan ang episode nina Regine Velasquez at Piolo Pascual. Ito yung episode kung saan nanalo si Regine as Best Single performance by An Actress sa Star Awards for TV last year.
Siya rin ang nagdirek ng The Sarsi Emmanuel Story na ginampanan ni Aubrey Miles. Bukas ng gabi, sa Maalaala Mo Kaya, muli nating mapapanood ang isa sa pinakamagandang obra ni Direk Malu sa telebisyon, ang The Claudia Zobel Story na gagampanan ni Assunta de Rossi.
Masama ang loob ng isang sikat na aktres sa isang director. Nakarating sa aktres na siya ang sinisisi ng director kung bakit mahina sa takilya ang huling movie na kanilang pinagsamahan. Mukhang hindi maitatanggi ng director na sinabi niya yun dahil na-quote siya ng isang writer sa dyaryo.
Buong araw na dinamdam ng aktres ang tinuran ng director.
"Akala ko ba friends kami?" himutok ng aktres. "Bakit ako lang ba ang artista sa movie? At saka, ginawa ko naman ang lahat na pinagawa niya sa akin sa movie. Ngayon, may maririnig ako na sinasabi niya at my back. Sana talaga hindi totoong sinabi niya yun dahil masakit."
May punto ang komedyante para sumama ang loob. Noong ginagawa nila ang movie, naging very close sila ng director. Kahit noong presscon para sa pelikula ay halos sambahin ng director ang aktres. At nang hindi ito maging hit sa takilya, naiba na ang takbo ng hangin.
Ayaw na ng aktres na lumaki pa ang isyu. Wala na rin siyang planong komprontahin pa ang director. Naihinga lang sa akin ng aktres ang kanyang sama ng loob nang mabasa niya ang sinabi ng director na inakala niyang isang kaibigan.
"Na-realize ko lang na hindi lahat ng tao na nakakatrabaho mo, nakakatawanan mo e kaibigan mo. Naging sincere ka sa pakikisama tapos may sinasabi pala at your back. At sakit no?"
For your comments and reactions, you can send your e-mail at [email protected]
Ate Vi pala has three options kung ano ang gagawin niya sa nalalapit na eleksyon. Isa sa nagulat ay ako nang aminin niya na pwede rin siyang di na tumakbo sa nalalapit na eleksyon.
Impressed ako sa magandang tahanan ni Ate Vi. May segment kung saan inilibot ni Ate Vi si Sharon sa kabuuan ng kanyang tahanan.
Kinabukasan naman, sa Masayang Tanghali Bayan ay ginanap ang show sa Lipa, Batangas. Sinuportahan ng mga taga-Lipa at ng mga karatig-bayan ang show. Present to give moral support si Senator Ralph Recto at pamilya ni Ate Vi.
Ngayong umaga, sa Morning Girls With Kris & Korina ay birthday episode ni Ate Vi. Tiyak na exciting ito lalo pat self-confessed Vilmanians ang mga hosts na sina Kris at Korina. Marami raw surprises na inihanda ang show para kay Ate Vi.
At ang pinaka-good news lalo na sa mga Vilmanians ay ang pagsasakatuparan ang TV special ni Ate Vi early next year. Go signal na lang at availability ng Star For All Seasons ang hinihintay ng ABS-CBN.
She was also sent by ABS-CBN sa States para mag-aral ng film and TV direction. From then on, naging assistant director na siya ni Mr. M sa Ang TV at doon na nagsimula ang lahat.
Nabigyan siya ng pagkakataon na idirek ang Kaybol, Ang Bagong TV at nasundan ito ng Tabing Ilog na umabot ng limang taon. Siya rin ang naging director ng soap operang Bituin.
Napakaraming memorable episodes sa Maalaala Mo Kaya ang dinirek ni Direk Malu. Nariyan ang episode nina Regine Velasquez at Piolo Pascual. Ito yung episode kung saan nanalo si Regine as Best Single performance by An Actress sa Star Awards for TV last year.
Siya rin ang nagdirek ng The Sarsi Emmanuel Story na ginampanan ni Aubrey Miles. Bukas ng gabi, sa Maalaala Mo Kaya, muli nating mapapanood ang isa sa pinakamagandang obra ni Direk Malu sa telebisyon, ang The Claudia Zobel Story na gagampanan ni Assunta de Rossi.
Buong araw na dinamdam ng aktres ang tinuran ng director.
"Akala ko ba friends kami?" himutok ng aktres. "Bakit ako lang ba ang artista sa movie? At saka, ginawa ko naman ang lahat na pinagawa niya sa akin sa movie. Ngayon, may maririnig ako na sinasabi niya at my back. Sana talaga hindi totoong sinabi niya yun dahil masakit."
May punto ang komedyante para sumama ang loob. Noong ginagawa nila ang movie, naging very close sila ng director. Kahit noong presscon para sa pelikula ay halos sambahin ng director ang aktres. At nang hindi ito maging hit sa takilya, naiba na ang takbo ng hangin.
Ayaw na ng aktres na lumaki pa ang isyu. Wala na rin siyang planong komprontahin pa ang director. Naihinga lang sa akin ng aktres ang kanyang sama ng loob nang mabasa niya ang sinabi ng director na inakala niyang isang kaibigan.
"Na-realize ko lang na hindi lahat ng tao na nakakatrabaho mo, nakakatawanan mo e kaibigan mo. Naging sincere ka sa pakikisama tapos may sinasabi pala at your back. At sakit no?"
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended