Kagustuhan ng said company na huwag nang sumali dahil inaakala nilang hindi matatapos ang syuting in-time sa pagpapalabas sa Kapaskuhan. Isa pa, sila mismo ang umayaw dahil nagkaroon ng problema noon nang hindi makakuha ng working visa ang ilan sa production staff.
Nanghihinayang nga ang MMFFP executive committee sa pag-atras ng movie.
Mula pa sa pagkabata ay naituro na ni Nena (palayaw ng aktres) sa anak na si Liezl ang magagandang values kaya lumaki itong kapuri-puring bata hanggang sa magkaroon ng pamilya. Itinuro niya rito (Nena) ang kahalagahan ng pagiging masinop sa pera.
Noong bata pa raw si Liezl at nag-aaral ay ipinahahatid niya ito sa driver na sakay ng lumang van ng AM Productions. "Minsan ay umiyak ito at sinabing napapahiya siya dahil puro mga de kotse ang kanyang mga kaiskwela gayung may Mercedes Benz naman kami na pwedeng maghatid sa kanya sa iskwela.
"Ipinaramdam ko lang sa kanya na ang lahat ng karangyaan sa buhay ay galing sa aking pag-aartista hanggang sa pagiging prodyuser. Kahit nag-iisang anak ay never siyang naging spoiled sa akin at sa halip ay natutuhang maging independent at marunong humawak ng pera," mahabang kwento ni Nena.
Hindi rin ipinagkakaila ni Nena na nagkaroon din sila ng matinding problema noon ng anak sa Amerika lalo na nang magtanan ito at mapangasawa si Albert Martinez. Pero nagsikap ang mag-asawa hanggang gumanda ang kanilang buhay.
Very close na ngayon sina Nena at Albert at siya pang tagapagtanggol ng aktor sa showbiz. Hindi napuputol ang magandang komunikasyon ng mag-ina at tuwing Linggo ay nagsasama-sama sila ng buong pamilya sa bahay ni Nena for lunch.
Nakasubaybay pa rin ang aktres na tinaguriang Liz Taylor of the Philippines sa kanyang anak at pamilya nito kaya nanatiling buo at matatag ang pagsasama nina Liezl at Albert.
"Mahirap maging ina pero fulfilled ka kapag nakita mong nagtagumpay ang mga anak mo lalo na sa pagkakaroon ng sariling pamilya dahil kailangang maging role model ang isang mommy sa kanyang mga anak," dagdag nito.
Nagtataka nga si Angela kung saan nagsimula ang balitang hindi na matutuloy ang kanilang kasal. Kagagaling lang nito ng Los Angeles para makilala nga ang parents ni Roy.
Kung ang ibang showbiz couples ay tuluyan nang naghihiwalay, nagawa naman nina Regine at Lander na ma-patch up ang mga pagkakamali sa kanilang paghihiwalay alang-alang sa kanilang mga anak at plano nilang mabuong muli ang pamilya. Sabi nga "experience is the best teacher."