Mukhang hindi Pinay

Ang kanyang kutis na kayumangging kaligatan ay totoong nagpapatunay ng kanyang pagiging Pilipina, subalit hindi tiyak kung ano ang dating ni Clarissa Mercado sa ibang tao. Pagkakita sa kanya ng isang matandang negosyante, biglang bumulalas at nagsabing "mukhang Puerto Rican si Clarissa!"

Maaaring pagdudahan ang opinyong ito kay Clarissa subalit hindi lang isa ang nakakapansin dito. Sa katunayan, noon lamang nakaraang taon, tinanghal si Clarissa na grand winner sa Ms. Boracay. Ito ang naging pasaporte ni Clarissa sa kanyang pagpalaot sa pelikula. Agad siyang pinapirma ng eksklusibong kontrata ng Leo Films. Ngayon, dalawa na sila ni Tracy Torres na nakakontrata sa Leo Films.

Si Clarissa ay abala ngayon sa pelikulang Mapanukso kasama sina Tracy Torres at Emilio Garcia.

Show comments