Nasa kainitan pa naman noon ng career ni Claudia. May nagsasabing malaki ang problema noon ni Claudia dahil nagdadalang tao raw ito noong maaksidente. At hanggang ngayon daw ay hindi pa rin natatahimik ang kaluluwa nito.
Ano nga ba ang totoong nangyari sa buhay ni Claudia? Buntis nga ba siya?
Nag-research ang MMK para magampanan ni Assunta ang character ni Claudia.
"Natakot ako nong una kasi hindi ko siya gaanong kilala. Pero marami siyang nakuhang research material para ma-internalize ko ang character ni Claudia," sabi ni Assunta.
May hawig si Assunta kay Claudia. Pareho silang matangkad at mahaba ang buhok. At pareho rin silang nagsimula bilang bold actress.
Anyway, bagamat priority pa rin ni Assunta ang pagiging Ms. Assunta de Rossi-Ledesma, mas mahaba pa rin ang oras na kinakain ng kanyang mga TV commitments.
Sa kasalukuyan, apat ang regular show niya sa ABS-CBN and GMA 7: ASAP Mania, Klasmeyts, Buttercup and Hawak Ko Ang Langit respectively.
Marami na rin ang nakakapansin sa kanya sa toprating ABS-CBN gag show, Klasmeyts bilang isang magaling na comedienne kasama sina Herbert Bautista, Bayani Agbayani, Paolo Contis and Kempee de Leon. Pero pagdating din naman sa drama, kayang-kaya niya.
"Off-cam, kanta ako nang kanta - sa set ng Klasmeyts especially since may live band kami roon. Pati nga si Mr. M (Johnny Manahan) binibiro ako lagi na malakas lang ang loob kong kumanta behind the scene. Pero pag may camera na, sa ASAP Mania hindi na ako makakanta. Wala nang lumalabas na boses sa akin. May stage fright kasi ako," sabi ni Assunta na inaaming frustrated diva siya.
Put her in a videoke room, Assunta added, and she could sing even a thousand tunes all by her lonesome.
"Ganun ako kahilig kumanta," sabi niya. "Siguro after two years, pag nagka-baby na kami ni Jules, gusto ko, mag-record ako ng isang album. Pangarap ko talaga yun."
By the way, ang Buttercup na pinangungunahan din nina Claudine Barretto, Piolo Pascual, Diether Ocampo and Ciara Sotto ay mamaalam na sa ere sa pagtatapos ng buwan.
Pero sinabi na kay Assunta ng ABS-CBN executives na makakasama siya sa ire-reformat na fantasy show, Wansapanataym na napapanood tuwing Linggo ng gabi.
"Magiging series na kasi siya (Wansapanataym) so, marami kaming magiging lead characters. Im not sure though kung kailan ito magi-start, but I understand well be having different episodes for kiddie televiewers each week," the actress revealed.
Wala pang ginagawang pelikula ang actress sa kasalukuyan, pero meron pa siyang five-picture contract sa Regal Films.
"Wala pa lang talagang magandang project for me at this time. But Im also looking forward to doing movies again. In the meantime, ini-enjoy ko na lang ang pagiging active ko sa TV at pag-aalaga kay Jules at sa aking mga stepchildren," pagtatapos ni Assunta.