"Wala naman akong insecurity sa kanya o pagtutol sa asawa niyang si Aljon Jimenez na siyang direktor ng show. Ang ayaw ko lamang ay nung 9th episode ng show ay wala siya. Wala rin akong script na pwedeng basahin o gawing guide para malaman kung ano ang gagawin ko. Hindi naman ako makapag-adlib dahil baguhan pa ako, hindi pa ako bihasa, nangangapa ako.
"Minsan naman sa di ko malamang kadahilanan ay pinutulan nila ako ng audio at minsan ay na-edit yung portion sa show para sa isang sponsor.
"Umayaw na ako. Sabi ko, parang hindi na tama ito. Balak kong sulatan sila para malaman nila ang nararamdaman ko pero, mayrong nag-advice sa akin na umalis na lang," ani Gigi sa kanyang presscon para sa bago niyang palabas ang Okay Ka Mom na kung saan natupad na ang pangarap niya na maging co-host si Marjorie at ang kanyang anak na si PJ Malonzo.
As of this writing, sa IBC 13 na mapapanood ang programa kapalit ng bagong programang Nadia na tinanggal sa ere gayung kasisimula pa lang.
"Mahirap pero talagang pinangatawanan kong pumunta ng gym ng three times a week. Kumuha rin ako ng trainor para di ako tamarin. Tuwing lunchtime ako pumupunta para walang tao," ang sabi ng napaka-ganda pa ring ina ng apat na anak, may edad na 10, 6, 4 at 6 months.
"Its not easy to work and be a mom. Tatlo sa mga anak ko ay nag-aaral na. Hindi ako makakapagbigay ng quality time sa kanila kung may trabaho ako. Kaya nga sinabi ko kay Dennis (Padilla, her husband) na gusto ko, mag-anak kami bago ako mag-30 dahil pagdating sa edad na ito, ang gusto ko namang isipin ay kung ano talaga ang gusto kong gawin. Im 29 years old now at my youngest child ay 6 months old kaya titigil na kami ng pag-aanak. Tutal may anak na kaming lalaki pagkatapos ng sunud-sunod na babae," ani Marjorie.
Bukod sa pangangalaga sa kanyang tahanan at sa mga anak niya, sumusuporta rin si Marjorie sa kanyang asawa na isang konsehal ng Caloocan. "Kapag di siya pwede, ako ang pumupunta sa mga imbitasyon niya sa kasal, patay o binyag.
"Araw-araw may medical mission si Mam Gigi at ako ang nakatalaga sa supplemental feeding."