"Nag-iisip akong pumasok ng pulitika next year sa aking lugar sa Imperial St., sa Cubao na nasa third district ng Quezon City pero, sa totoo lamang, wala pa akong kaalam-alam tungkol dito. Ni hindi ko pa nga alam kung qualified na ako sa age ko na 20," ang sabi niya.
"Matagal nang may kumukumbinsi sa akin to try politics pero hindi ako makapag-decide. Ang naiisip ko lang ay baka nga may maitutulong ako, kaya bakit di ko subukan?" dagdag pa niya.
Dahil dito nagka-problema siya dahil hindi pa siya tapos ng college. Napilitan siyang tumigil ng kanyang pag-aaral ng Fine Arts sa UST dahil nga nagsa-suffer ang kanyang health kung pinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral at trabaho. Bago ito ay kumuha siya ng music sa UST din.
"Tatapusin ko rin ang studies ko. Sinasamantala ko lang muna ang pagkakataon na maganda ang takbo ng career ko. Alam ko na hindi palaging ganito sa showbiz. At aware naman kayong lahat na bago muli bumalik ang swerte ko ay talagang na-down ako ng husto," sabi niya.
Vicor has just released Aizas newest album, "Sabi ng Kanta", her fifth with Vicor. Her past albums has spawned hits songs gaya ng "Pagdating ng Panahon", "Akala Mo", "Pakisabi Na Lang", "Power of Two" at "Palagay Ko Mahal Kita". VRS