^

PSN Showbiz

Aiza, pwede ba sa pulitika?

-
Ito ang unang tanong ni Aiza nang makausap ko at ng ilang movie writers kamakailan lamang.

"Nag-iisip akong pumasok ng pulitika next year sa aking lugar sa Imperial St., sa Cubao na nasa third district ng Quezon City pero, sa totoo lamang, wala pa akong kaalam-alam tungkol dito. Ni hindi ko pa nga alam kung qualified na ako sa age ko na 20," ang sabi niya.

"Matagal nang may kumukumbinsi sa akin to try politics pero hindi ako makapag-decide. Ang naiisip ko lang ay baka nga may maitutulong ako, kaya bakit di ko subukan?" dagdag pa niya.

Dahil dito nagka-problema siya dahil hindi pa siya tapos ng college. Napilitan siyang tumigil ng kanyang pag-aaral ng Fine Arts sa UST dahil nga nagsa-suffer ang kanyang health kung pinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral at trabaho. Bago ito ay kumuha siya ng music sa UST din.

"Tatapusin ko rin ang studies ko. Sinasamantala ko lang muna ang pagkakataon na maganda ang takbo ng career ko. Alam ko na hindi palaging ganito sa showbiz. At aware naman kayong lahat na bago muli bumalik ang swerte ko ay talagang na-down ako ng husto," sabi niya.

Vicor
has just released Aiza’s newest album, "Sabi ng Kanta", her fifth with Vicor. Her past albums has spawned hits songs gaya ng "Pagdating ng Panahon", "Akala Mo", "Pakisabi Na Lang", "Power of Two" at "Palagay Ko Mahal Kita". –VRS

AIZA

AKALA MO

FINE ARTS

IMPERIAL ST.

PAKISABI NA LANG

PALAGAY KO MAHAL KITA

POWER OF TWO

QUEZON CITY

VICOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with