Bakit walang bagong superstars? Hindi naman masasabing nariyan pa kasi ang mga sikat dahil bihira na lang namang gumawa ng pelikula sina Nora at Vilma. Si Sharon naman ay hindi na rin ganoon kadalas sa trabaho niya. Bakit walang bagong sumikat?
Iyang krisis na iyan ay nakita na noon pa ng yumaong direktor na si Leroy Salvador. Nasabi na sa amin ni Kuya Leroy noon pa man na nakikita niyang sa mga susunod na taon ay walang artistang aabot sa status ng isang superstar dahil masyado silang babad sa telebisyon.
Hindi mo masukat ang popularidad nila, kasi libre lang naman ang panonood sa kanila sa TV, at saka nadadaya naman iyang ratings. Kung iyon ngang mga awards nabibili eh ratings pa ba ang hindi mababayaran.
Sa US, talagang hiwalay ang mga artista sa pelikula at mga artista sa telebisyon. Hindi pinaghahalo iyan. Dito naman sa atin, ipinagpipilitan nilang paghaluin. Iyong mga pelikula ng mga TV stars, hindi kumikita. Sino ba naman kasi ang magbabayad para mapanood sila eh nakikita na sila nang libre. Iyong mga artista naman sa pelikula na nabababad na rin sa TV, bagsak na rin ang mga kasunod pang project.
Talagang magkalaban ang TV at ang pelikula. Hindi namin alam kung kailan nila matatanggap ang katotohanang iyan.
Bagsak ang presyo ng pirated DVD sa Malaysia ngayon. Pumapatak na sampung piso lamang ang puhunan sa bawat isa. Pagdating niyan sa backdoor ng Pilipinas, doon sa Zamboanga, bente pesos na ang halaga ng isa.
Ibibiyahe pa iyan sa Maynila, kaya ang presyo ng pirated na DVD ngayon sa sentro ng piracy sa Maynila, doon sa Elizondo ay 60 pesos ang isa. Iyang mga bagsakan ng pirated video sa Elizondo, ang siyang nagsu-supply sa 80 porsiyento ng market sa buong Luzon. Hanggang mga taga-Baguio, diyan sa Elizondo kumukuha.
Ngayon nga wala na siya halos pelikula eh, kahit na lumipat pa siya ng home studio. Baka nga nagsisimula na ang karma.