Wala pang kumpirmasyon sa paghihiwalay nina Cindy at Jericho pero may mga nagsasabi na muling nagkakamabutihan ngayon sina Jericho at Kristine Hermosa.
Non-stop din ang dating ng mga singer-performers na kinabibilangan nina Ogie Alcasid, Gladys & The Boxers, Divo, Sexbomb Dancers, Roselle Nava, Malik, Anna Fegi, RJ Rosales, Masculados, P-4, Boyfriends, True Faith, Renz Verano, Luke Mejares, Anna Fegi, Gabriella, Arnee, Josh Santana, Von Arroyo, Token Lizares at Parokya ni Edgar. Sa rami ng mga performers, hindi na nakapag-perform sina Beverly Salviejo at Kyla. Hindi na rin nakarating sina Jamie Rivera, Jay-R, Jed Madella, Marissa Sanchez at Geneva Cruz na nag-confirm earlier.
In full force ang mga taga-Universal Records na pinangunahan ng big boss na si Bella Tan. Naroon din ang OctoArts big boss na si G. Orly Ilacad. Dala rin lahat ni Direk Maryo J. delos Reyes ang kanyang mga talents. Dala naman ni Manny Valera ng DMV Entertainment sina Josh Santana at Glaiza de Castro. Andoon si Jenny Miller, Angge (Lee), Smokey Manaloto, Bayani Agbayani, Lotlot de Leon at Ian de Leon. Ang iba pang celebrities na dumating bukod sa mga tumayong hosts ng gabing yun na sina TJ Manotoc, Regine Tolentino, Giselle Sanchez at Butch Francisco ay ang magkasintahang Julius Babao at Tintin Bersola, Arnold Clavio, Diana Zubiri, Katya Santos, Andrea del Rosario, Ricky Davao, Luis Alandy at kasintahang si Tintin Arnaldo at marami pang iba.
Sa pamamagitan ng kolum na ito, gusto kong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng suporta ng ating mga kaibigan sa industriya at iba pa nating mga sponsors na sumuporta para maging matagumpay ang ikalawang taon ng S Magazine.
So far, sa kanyang dalawang term bilang mayor ng Batangas ay maganda ang naitalang record ni Vi kaya marami ang nag-uudyok sa kanya na tumakbo sa mas mataas na posisyon. Pero itoy masusi pa niyang pinag-aaralan.
Sa darating na Lunes, November 3 ay ika-50 kaarawan ni Vi at isa na siyang Golden Girl tulad ng kumare niyang si Nora Aunor.
Kay Vi pa rin, hindi nito ikinaila na hindi niya nagustuhan ang pagpu-pose ng sexy ng anak niyang si Luis (Lucky) sa isang glossy magazine. Ayon kay Vi, gusto niyang ito ang maging unat huli ni Luis dahil hindi naman daw niya ito kailangang gawin.
Magiging ispesyal na panauhin ni Gary sa kanyang XXTreme concert sina Jaya, Luke Mejares, JayR, The Maneouvres at ilang surprise guests. May magkakahiwalay ding special numbers ang kanyang tatlong anak na sina Paolo, Gabriel at Kiana.
Although pare-parehong may talent sa singing ang tatlong anak nila ng misis niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano, aminado si Gary na kakaiba ang boses ni Kiana sa dalawa niyang anak na lalaki na sina Paolo at Gabriel. Katunayan, plano ni Gary na mag-produce ng album sa isang taon para kay Kiana.
"Im so proud of my kids. Lahat sila mababait at wala kaming problema ni Angeli sa kanila," pagmamalaki pa ni Gary.