Megahit ang "First Romance"

Habang sinusulat namin ang kolum na ito ay tinawagan kami ni Roxy Liquigan, Ad Prom Director ng Star Cinema para iparating ang balitang megahit ang launching movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo at John Prats/Heart Evangelista under Star Cinema, ang My First Romance na nag-showing noong October 29.

Mangiyak-ngiyak na ibinalita sa amin ni Roxy na napakalakas ng showing ng first hours of screening ng movie. Kung 1st range raw ang lakas ng movie, maikukumpara ito sa previous nina Piolo Pascual, Judy Ann Santos, Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Nakarating na rin sa cast ng movie kung gaano kalakas sa takilya ang movie. Napatalon sa tuwa sina John Lloyd at Bea nang i-break sa kanila ang balita.

Naikwento nga sa amin ni Roxy na no’ng gabi bago mag-showing ang movie, kasama niya si Direk Don Cuaresma sa Baclaran at humahagulgol. Nagpapasalamat ito at nairaos niya ng maganda ang kanyang debut directorial job. Lalo pang happy ngayon si Direk Don sa balitang megahit ang first movie niya.

Ganun din daw ang kaligayahan ni John-D Lazatin nang ibalita sa kanya ang good news. Nagti-taping ito ng Tara Tena no’ng first day of showing. Ear to ear tiyak ang smile ngayon ni Star Cinema Managing Director Malou Santos.
* * *
No’ng Martes ng gabi ay nag-celebrate ng birthday ang kaibigan ko at owner ng Harvard USA na si Carol Chuateco na ginanap sa Laffline Music Bar sa Timog Avenue. Dahil nga naipit ako sa premiere night ng My First Romance sa SM Megamall. Late na akong nakarating sa party. Late man ako, masaya pa rin ang lahat. Ilan sa mga nakisaya ay sina Baron Geisler, Brian Tan, Smokey Manaloto, Tita Angge, Leila Kuzma at ang AnimE na sina Mico Aytona. John Wayne Sace, Emman Abeleda, Sergio Garcia, Mhyco Aquino at Rayver Cruz.

Nagpaunlak ng song and dance number ang AnimE at kumanta rin sina Baron at Brian. Present ang kasamahan sa panulat na si Rey Pumaloy na kaibigan ni Carol. Ang kwela-kwela talaga ng mga hosts na sina Vice Ganda, Fudge at iba pa.
* * *
After Buttercup, balik-teleserye sina Claudine Barretto at Piolo Pascual. Tinatapos lang ang second season nito at magsisimula na ang bagong teleserye ni Claudine katambal si Piolo. Ang balita namin, kakaiba ang teleserye ni Claudine ibang-iba ang konsepto nito sa mga nauna niyang teleserye tulad ng Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon at Sa Dulo Ng Walang Hanggan.

Ayaw pang i-reveal ng kausap ko ang sinasabi niyang kakaibang konsepto dahil baka raw ma-preempt ito o di kaya’y ma-steal. First daw ang ganitong konsepto sa Philippine television. Binubuo na rin ang iba pang cast na magiging part ng teleseryeng ito.
* * *
For your comments and reactions, you can send your email thru ericjohnsalut@yahoo. com

Show comments