Darating din sina Dao Ming Si at Hua Ze Lei

Kahit na hindi naging maganda ang karanasan ko sa naging konsyerto ng dalawa sa F4 na sina Ken Zhu at Vaness Wu kasama sina Barbie at Dee Xu, hindi pa rin ako nadala at hindi natuto dahil isa ako sa napakaraming nag-aabang sa pagdating ng dalawa sa pinakasikat na myembro ng Taiwanese group na F4 na sina Jerry Yan at Vic Zhou na mas marami ang nakakikilala bilang Dao Ming Si at Hua Ze Lei. Muli, makakasama nila ang Asos Sisters, sina Barbie at Dee Xu, si Barbie ang most loved na soap heroine ng Meteor Garden.

I’m positive na hindi magiging kasing-gulo ng naunang konsyerto nina Meitzuo at Ximen itong magaganap sa Nobyembre 29 sa The Fort Open Field. Unang-una na, ang ABS CBN ang nag-aayos nito at kilala ang network sa pagbibigay ng maayos na palabas. Isa pa ang konsyerto na pinamagatang Happy 50TV, The Concert ay bahagi ng selebrasyon ng ika-50 taong anibersaryo ng ABS-CBN, hindi naman siguro papayag ang network na mahuli ito sa ganda ng musical special na Kapamilya: ABS-CBN at 50 na pormal na ginampanan at dinaluhan ng lahat ng execs, employees at production staff ng Dos na ang unang bahagi ay napanood ng lahat nung Linggo ng gabi at ang part 2 ay sa Linggong darating.

Para mapaganda ang Happy 50TV The Concert, makakasama ng mga Taiwanese artists ang mga ipinagmamalaking Pinoy artists na itinuturing kong the best in the world, second to none, tulad nina Aiai delas Alas, Vina Morales at the Hunks kasama pa ang mga malalaking pangalan sa ABS-CBN tulad nina Kristine, John Lloyd, Bea, Michael Santana, Divo at King.

Mas mura rin ang tiket sa The Fort concert, P500, P1,500, P2,500 at P5,000. May promo ang ABS CBN sa mga maagang bibili ng tiket. Yung mga P500 tickets ay mabibili lamang sa halagang P300 hanggang Nob. 2. Para sa dagdag na impormasyon, tumawag sa 8915610.
*****
Nagsisimula na naman si Mother Lily ng Regal Films sa paglulunsad ng mga pelikulang bagets tulad ng Kuya na nagtatampok sa maraming kabataang artista tulad nina Richard Gutierrez, Oyo Boy Sotto, Railey Valeroso, Maxene Magalona, Chynna Ortaleza, Angel Locsin, Cogie Domingo, Danilo Barrios, James Blanco, ang sikat ngayon na si Aubrey Miles at ang baguhang si Alicia Meyer.

"Sa Kuya, I’m introducing our latest batch of stars who I believe will be very big in the coming days," ani Mother Lily.

Si Mother Lily ang nagpasimula ng career ng mga tulad nina
Maricel Soriano, Richard Gomez, Dina Bonnevie, Aga Muhlach, Ruffa Gutierrez, Jomari Yllana, Aiko Melendez, Kris Aquino, Ara Mina, Assunta de Rossi at marami pang iba.

Ang
Kuya na nasa direksyon ni Dominic Zapanta ay tungkol sa mga kabataan, ang kanilang first love, peer pressure, teen angst, sense of belonging at discovery while at the same time daring to reveal present day truth about the youth’s desire for societal change and harmony sa gitna ng social turbulence.

"Hindi lang puro gimik ang mga kabataan, naghahanap din sila ng pagbabago, hindi lang nila alam kung saan kukunin ang tamang perspective about the things around them. Kaya kung anu-ano ang ginagawa nila sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong nila. Yung hindi nila mahanap sa bahay, hinahanap nila sa labas, sa kanilang mga kaibigan at mga taong nakikilala nila," anang direktor ng pelikula.

Show comments