Jolina, pinag-aagawan nina Dingdong at Jordan
October 29, 2003 | 12:00am
Ubod na yata ng swerte itong si Jolina Magdangal sa buhay. Bukod sa magandang takbo ng kanyang showbiz career, business at personal life, pinag-agawan pa siya ng dalawang gwapong lalaki sa bago niyang pelikula mula sa Viva Films, ang Annie B. (Bida Ng Ukay-Ukay Bongga Siya Day).
Ang dalawang lalaki sa buhay ni Jolina (a.k.a Annie B.) ay sina Dingdong Dantes at Jordan Herrera.
All praise si Jolina kina Dingdong at Jordan. Actually, nakaka-trabaho ni Jolens si Dingdong sa SOP tuwing Linggo. Kaya si Jordan ang pinakiramdaman niya ng mabuti. Noong una, akala niyay di niya makakasundo si Jordan dahil sa mga tsismis na naririnig niya. Ngunit naging kampante naman siya nang unti-unti niyang makilala ito habang nagso-shooting sila.
Dagdag pa ni Jolens, "Magkaiba ang character ni Dingdong at Jordan. Si Dingdong, medyo tahimik at seryoso. Si Jordan naman, super kulit at kalog talaga. I think nakatulong din na iba ang character nila sa isat isa in real life kasi ganito rin naman ang role nila sa movie namin."
Ayon naman kay Dingdong at Jordan, nakakatuwa talagang ka-trabaho si Jolens. "Kung ano siya sa TV at pelikula, ganoon din siya sa tunay na buhay, galawgaw at parating masaya," natatawang sambit ni Jordan.
Meron pangatlong lalaki sa buhay ni Jolens sa Annie B. Ito ay si Mel Martinez na gumanap na gay friend niya. Siya bale ang after-ego ni Jolina sa nasabing pelikula. "She (Jolina) reminds me so much of my sister (Maricel Soriano) dahil galawgaw at makulit din ang character niya sa Annie B. I think this movie will be one of the funniest movies this year," sey ni Mel.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended