Nakakwentuhan ko nang matagal si
Lester Llansang sa taping ng
Okay Ka Mom na prodyus ng
Good Gem Productions. Nakakalungkot malamang namumuhay siyang mag-isa ngayon na malayo sa piling ng mga taong nagpalaki sa kanya. Apat na buwan lang ito nang magkahiwalay ang kanyang ina at ama. Gaya ng karaniwang mga bata, hindi niya nadama ang pagmamahal ng isang ina at hindi niya ito nakasama sa loob ng 18 taon. "Yung nanay ko na ipinakilala sa akin sa
Startalk ay duda ako na siya ang talaga kong ina. Wala akong nadamang lukso ng dugo at matapos ang pagkikita namin ay wala na kaming komunikasyon. Ang aking ama naman ay may ibang pamilya pero hiwalay ito ngayon sa kanyang asawa. Ang nagpalaki sa akin ay ang lola ko na itinuring kong nanay pero nasa Laguna ito kasama ang tatay ko. Gayunpaman wala akong bitterness sa puso at nagsilbing hamon sa akin ang nangyari sa buhay ko at never kong hahayaang maulit ito kapag nagkaroon ako ng sariling pamilya. Kumukuha ako ngayon ng training course sa pagiging caregiver at plano kong magtrabaho sa abroad, mag-business at gusto kong yumaman someday," aniya.
Magaling na artista si Lester dahil dalawang ulit na itong nagkamit ng award bilang Best Child Actor sa
FAMAS at
Metro Manila Film Festival dahil sa mahusay na pagganap sa
Saranggola. Alaga ito ngayon ng
GMA Artist Center at kasama sa pelikulang
The Homecoming bilang kapatid ni
Alessandra de Rossi.
Nagsimula si Lester bilang commercial model noong apat na taon siya hanggang mapasok sa
Penpen de Sarapen sa tulong ng kanyang tumatayong manager na si
Dexter Salangsang. Ito ang nagsisilbing kuya-kuyahan niya na anak ng kanyang lolo sa ikalawang asawa nito.
Siguro kaya may lalim ang
akting nito ay dahil sa kanyang malungkot na
karanasan sa buhay. Mas gusto niyang mag-isa, makibaka sa buhay at magtagumpay pero kahit pinabayaan siya ng kanyang ina ay never niya itong itatakwil. "Siya naman ang nabigay ng aking buhay at ina ko pa rin siya kahit hindi niya ako binigyan ng pagmamahal," aniya.
Kinikilig Pa Rin Ang Mga Fans Kina Angelika-Jericho |
Nagdaos ng kanyang birthday celebration sa
ASAP Mania si
Angelika dela Cruz noong Linggo. Isa sa mga bumati sa kanya si
Jericho Rosales. Kitang-kita sa mga manonood ang excitement habang binabati siya ng aktor na ex-boyfriend nito noong bago pa lang siya sa
Dos. Mayroon pa ring mga loyal fans ang dalawa na umaasang magkakaroon muli ng init ang kanilang dating relasyon.
Pinabulaanan ni Angelika na kaya siya umalis sa
Siyete ay dahil naiin-secure siya kay
Jolina Magdangal.
"Magkaibigan kami ni Jolens at tapos na ang kontrata ko roon kaya nagbalik-
Dos ako. Career move ang ginawa ko at wala ng iba."
Gigi, Ayaw Patulan Si Mane! |
Ayaw patulan ni
Gigi Malonzo ang mga patutsada sa kanya ng kampo ni
Manilyn Reynes, kung bakit tuluyan niyang iniwan ang programang
Todays Mom. Very humble lang ito sa pagsasabing hindi siya nakikipagkumpitensya kay Manilyn pagdating sa pagiging host ng programa dahil matagal na ito sa showbiz at isa pang artista kaya sanay na.
Tinanong si
PJ Malonzo kung paano ba maging anak ni Gigi. "Mamas boy ako at sobrang atensyon ang ibinibigay sa akin ni mommy. Maniniwala ka ba na binatilyo na ako ay pinapaliguan pa niya ako. Lahat ng pangangailangan ko ay kanyang inaasikaso at ibinibigay kaya naman sinusunod ko lahat ang kanyang pangaral. Sa sobrang pagmamahal niya ay hindi ko kayang suwayin ang kanyang mga utos," aniya.
May isang segment sa
Okay Ka Mom si PJ kung saan tinatalakay ang relasyon ng isang celebrity lalo na yung mga bagets sa kanilang mga ina. Noong una ay kabado ito pero sa dakong huli ay gumagaling na bilang co-host ng programa.
PAKIKIRAMAY: Sa pamilya ng yumaong dating child star na si
Michael Perez.