Lester, may duda sa nagpakilalang nanay niya!
October 29, 2003 | 12:00am
Nakakwentuhan ko nang matagal si Lester Llansang sa taping ng Okay Ka Mom na prodyus ng Good Gem Productions. Nakakalungkot malamang namumuhay siyang mag-isa ngayon na malayo sa piling ng mga taong nagpalaki sa kanya. Apat na buwan lang ito nang magkahiwalay ang kanyang ina at ama. Gaya ng karaniwang mga bata, hindi niya nadama ang pagmamahal ng isang ina at hindi niya ito nakasama sa loob ng 18 taon. "Yung nanay ko na ipinakilala sa akin sa Startalk ay duda ako na siya ang talaga kong ina. Wala akong nadamang lukso ng dugo at matapos ang pagkikita namin ay wala na kaming komunikasyon. Ang aking ama naman ay may ibang pamilya pero hiwalay ito ngayon sa kanyang asawa. Ang nagpalaki sa akin ay ang lola ko na itinuring kong nanay pero nasa Laguna ito kasama ang tatay ko. Gayunpaman wala akong bitterness sa puso at nagsilbing hamon sa akin ang nangyari sa buhay ko at never kong hahayaang maulit ito kapag nagkaroon ako ng sariling pamilya. Kumukuha ako ngayon ng training course sa pagiging caregiver at plano kong magtrabaho sa abroad, mag-business at gusto kong yumaman someday," aniya.
Magaling na artista si Lester dahil dalawang ulit na itong nagkamit ng award bilang Best Child Actor sa FAMAS at Metro Manila Film Festival dahil sa mahusay na pagganap sa Saranggola. Alaga ito ngayon ng GMA Artist Center at kasama sa pelikulang The Homecoming bilang kapatid ni Alessandra de Rossi.
Nagsimula si Lester bilang commercial model noong apat na taon siya hanggang mapasok sa Penpen de Sarapen sa tulong ng kanyang tumatayong manager na si Dexter Salangsang. Ito ang nagsisilbing kuya-kuyahan niya na anak ng kanyang lolo sa ikalawang asawa nito.
Siguro kaya may lalim ang akting nito ay dahil sa kanyang malungkot na karanasan sa buhay. Mas gusto niyang mag-isa, makibaka sa buhay at magtagumpay pero kahit pinabayaan siya ng kanyang ina ay never niya itong itatakwil. "Siya naman ang nabigay ng aking buhay at ina ko pa rin siya kahit hindi niya ako binigyan ng pagmamahal," aniya.
Nagdaos ng kanyang birthday celebration sa ASAP Mania si Angelika dela Cruz noong Linggo. Isa sa mga bumati sa kanya si Jericho Rosales. Kitang-kita sa mga manonood ang excitement habang binabati siya ng aktor na ex-boyfriend nito noong bago pa lang siya sa Dos. Mayroon pa ring mga loyal fans ang dalawa na umaasang magkakaroon muli ng init ang kanilang dating relasyon.
Pinabulaanan ni Angelika na kaya siya umalis sa Siyete ay dahil naiin-secure siya kay Jolina Magdangal.
"Magkaibigan kami ni Jolens at tapos na ang kontrata ko roon kaya nagbalik-Dos ako. Career move ang ginawa ko at wala ng iba."
Ayaw patulan ni Gigi Malonzo ang mga patutsada sa kanya ng kampo ni Manilyn Reynes, kung bakit tuluyan niyang iniwan ang programang Todays Mom. Very humble lang ito sa pagsasabing hindi siya nakikipagkumpitensya kay Manilyn pagdating sa pagiging host ng programa dahil matagal na ito sa showbiz at isa pang artista kaya sanay na.
Tinanong si PJ Malonzo kung paano ba maging anak ni Gigi. "Mamas boy ako at sobrang atensyon ang ibinibigay sa akin ni mommy. Maniniwala ka ba na binatilyo na ako ay pinapaliguan pa niya ako. Lahat ng pangangailangan ko ay kanyang inaasikaso at ibinibigay kaya naman sinusunod ko lahat ang kanyang pangaral. Sa sobrang pagmamahal niya ay hindi ko kayang suwayin ang kanyang mga utos," aniya.
May isang segment sa Okay Ka Mom si PJ kung saan tinatalakay ang relasyon ng isang celebrity lalo na yung mga bagets sa kanilang mga ina. Noong una ay kabado ito pero sa dakong huli ay gumagaling na bilang co-host ng programa.
PAKIKIRAMAY: Sa pamilya ng yumaong dating child star na si Michael Perez.
Magaling na artista si Lester dahil dalawang ulit na itong nagkamit ng award bilang Best Child Actor sa FAMAS at Metro Manila Film Festival dahil sa mahusay na pagganap sa Saranggola. Alaga ito ngayon ng GMA Artist Center at kasama sa pelikulang The Homecoming bilang kapatid ni Alessandra de Rossi.
Nagsimula si Lester bilang commercial model noong apat na taon siya hanggang mapasok sa Penpen de Sarapen sa tulong ng kanyang tumatayong manager na si Dexter Salangsang. Ito ang nagsisilbing kuya-kuyahan niya na anak ng kanyang lolo sa ikalawang asawa nito.
Siguro kaya may lalim ang akting nito ay dahil sa kanyang malungkot na karanasan sa buhay. Mas gusto niyang mag-isa, makibaka sa buhay at magtagumpay pero kahit pinabayaan siya ng kanyang ina ay never niya itong itatakwil. "Siya naman ang nabigay ng aking buhay at ina ko pa rin siya kahit hindi niya ako binigyan ng pagmamahal," aniya.
Pinabulaanan ni Angelika na kaya siya umalis sa Siyete ay dahil naiin-secure siya kay Jolina Magdangal.
"Magkaibigan kami ni Jolens at tapos na ang kontrata ko roon kaya nagbalik-Dos ako. Career move ang ginawa ko at wala ng iba."
May isang segment sa Okay Ka Mom si PJ kung saan tinatalakay ang relasyon ng isang celebrity lalo na yung mga bagets sa kanilang mga ina. Noong una ay kabado ito pero sa dakong huli ay gumagaling na bilang co-host ng programa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am