Kaya na bang mag-direct ni Ayen?

Hindi mo naman masisi yung napakaraming may duda kung kaya na ba ni Ayen Munji-Laurel na mag-direct ng isang malaking musical na tulad ng One na mapapanood sa Nobyembre 22 sa Folk Arts Theater. Kilala lamang nila siya bilang isang mahusay na singer pero, hindi bilang direktor.

"Kumuha ako ng Theater Arts sa UP at ang stage directing ay isa lamang sa mga subjects ko," ani Ayen.

Ella Lopez Miller
ang pangalan niya bilang direktor at ilan sa mga nai-direct niya ay ang Shindig ni Pops Fernandez, ang Three Of A Kind at ang One For The Soul ng SK Entertainment.

Sa One, di lang siya director, isa rin siya sa mga performers together with Verni Varga, Anna Fegi, Franco Laurel, Luke Mejares at Paolo Santos. Kasama rin sa ensemble sina Edward Granadosin, Reuben Laurente, Carlo Orosa, Eric Antonio, Joel Trinidad, Roy Rolloda, Ricci Chan, Roden Araneta at marami pang iba.

"Mga four or five numbers lang ako, mas gusto ko sa background and concentrate more on directing," says Ayen.

One
will feature about 60% ng mga original songs ng One For The Soul, ang natitirang 40% ay mga bagong kanta na tulad ng "Only Hope" ni Mandy Moore at marami pang iba. Sinabi ni Ayen na kung ang One For The Soul ay very New York, ang One ay Pinoy na Pinoy.

Si Danny Tan ang musical director, choreographers sina Edna Vida, Andy Alvis at James Laforteza, production designer si Gino Gonzales, si Gerry Fernandez ang lights designer, sound designer si Willy Munji at vocal director si Ed Nepomuceno. Ang mga gumawa ng costumes ay sina Fanny Serrano, Joji Loren, JC Buendia, Maxi Cinco at Paul Cabral.

Para sa tiket, tumawag sa ML Entertainment, 6387776.

Show comments