Noong una ay super-deny ito pero sa dakong huli ay inamin din ang katotohanan. Masaya naman ang aktres sa naging resulta ng pagpaparetoke ng boobs bilang paghahanda sa iba pang sexy movies na gagawin. Higit sa lahat, enjoy ito ngayon na gumagamit ng mga sexy outfit gaya ng suot niyang damit sa presscon dahil halos lumuwa na ang malulusog na dibdib niya.
Kaya lang hindi nito maipapakita ang bagong retokeng boobs dahil hindi naman sexy movie ang Malikmata, kundi isang suspense-thriller kung saan papel ng isang multo ang gagampanan niya.
Malapit nang magtapos ng kursong interior designing si Carmi at kamakailan ay naglunsad ng kanyang exhibit.
Unang nakilala si Candy bilang winner sa Calendar Girl hanggang maging dancer ng Magandang Tanghali Bayan bilang one of the Kending Girl. Kasalukuyang nakakontrata ito ng tatlong taon sa Worldwide Productions at kamakailan ay inilunsad agad sa pagiging ganap na bituin sa Boldstar na kumita naman sa takilya. Pero pang-suporta naman siya ngayon kay Maye Tongco sa pelikulang Mapupulang Labi. Tinanong ko si direk kung bakit hindi si Candy ang bida gayung contract star ito ng kompanya. "Pino-program kasi ng prodyuser ang kanilang contract star. Sa mga susunod na pelikula nito ay balik-bida naman uli siya," sey ni direk.
Inamin ng seksing aktres na mas bold ang solo movie niya kesa sa Mapupulang Labi pero ibinuyangyang din niya ang kanyang katawan. "Palaban ako sa sex pero, hindi naman ako natu-turn on sa mga nakakapareha ko kahit wala akong plaster dahil trabaho lang ito," aniya.
Noong una itong maghubad, napagalitan siya ng kanyang nanay pero matapos itong mapaliwanagan ay naglubag din ang kalooban kaya ngayon ay supportive na ito (nanay) sa kanyang career gayundin ang mga kapatid na lalaki. Bunso sa apat na magkakapatid si Candy.
May kaya naman ang kanyang pamilya kaya sarili niya ang kanyang kinikitang pera. Nagnenegosyo siya sa kasalukuyan ng palay.
Nakabili na ito ng sasakyan mula sa kinitang pera.
Nagti-taping ito para sa isang segment ng Okay Ka Mom hosted by Gigi Malonzo kung saan ang nag-interview ay si PJ Malonzo. Napag-usapan kung paano niya ginagampanan ang isang mabuting anak. "Sumusunod po ako sa pangaral ni mommy dahil ayaw kong malihis ng landas at talagang mahigpit siya sa curfew. Pagdating ng alas-otso ng gabi, dapat nasa bahay na ako. Pero bihira lang itong mangyari dahil lagi ko siyang kasama sa mga lakaran," ani Crystal.
Ayon naman sa mommy nito, masunuring bata ang kanyang anak at never pa itong nagbigay sa kanya ng sakit ng ulo. Higit sa lahat, nag-aaral din ito sa St. Martin. Libangan nito ang maglaro ng bilyar kapag walang pasok o showbiz commitment.
Pero anong nangyari sa kanyang career? Napabayaan nito ang kanyang trabaho dahil natutong gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Kung noon ay in-demand sa mga shows sa Kamaynilaan at lalawigan ang singer-comedian, ngayon ay pakanta-kanta na lang sa maliliit na club o bar sa lalawigan. Magsisi man ay huli na dahil kay aga kasing nalasing sa tagumpay.
Ang singer-comedian na ito ay ilang pelikula rin ang nagawa sa kanyang mother studio.