Sa isang bagong serye ng GMA 7 na tatampukan ng Argentinian actor na si Segundo Cernadas, ang Te Amo (Maging Sino Ka Man), anti-hero role na naman ang na-assign kay Sharmaine. She and Angelu de Leon will make life miserable for Segundos leading lady-Iza Calzado. Hindi ba siya natatakot na ma-type cast sa pagiging villain?
"Not really! In fact, nandyan nga po ang challenge and nowadays kasi hindi ka na mag-aalalang ma-type cast. Yung mga dating bida, now plays anti-hero roles and vice versa. Versatility is the name of the game now.
"Another thing, meron naman akong fall back if and when I decide to quit showbusiness. I finished Masscom major in Broadcasting. But that will be later pa naman siguro. Im just starting to enjoy life in showbiz and hopefully magtuluy-tuloy na ito."
We heard two weeks na silang nagti-taping for Te Amo.. sa Ternate, Cavite ang location site nito.
Wala pa raw sa isipan ni Sharmaine ang ma-involve sa isang seryosong relasyon. But if ever, isang katangiang hinahanap niya sa isang lalaki ay yung may angking talino. BEN DELA CRUZ