Alessandra,nagiging paborito ni direk Gil Portes

Matapos ang matagumpay na Small Voices na kung saan umani ng papuri si Alessandra de Rossi sa kanyang mahusay na pagganap, siya muli ang tampok na bituin sa pang-MMFFP na handog ng Teamwork Prods, Cinema Partners at Kidlat Entertainment na pinamagatang Homecoming.

Tampok din si Elizabeth Oropesa bilang ina ni De Rossi na umuwi ng Pinas matapos magtrabaho ng limang taon bilang nurse sa Canada. Sa gitna ng inihahandang pagsalubong sa kanya, dumating siya pero may sakit siyang SARS. Nagulo ang kanyang pamilya, ang buong bayan nila.

Kasama sa pelikula na nasa direksyon ni Gil Portes sina James Blanco, Lester Llansang Bryan Homecillo, Paolo Rivero, Dexter Doria at marami pa.

Show comments