Ako rin naman ayaw kong lumahok sa pulitika ang "hari ng aksyon". Mamamantsahan na ng pulitika ang malinis niyang pangalan. Ang mahabang panahon na ginugol niya para maabot ang kinalalagyan niya ngayon, para maiangat ang kanyang pangalan at pagkatao ay marurumihan. Pati ang pera na kinita niya sa malinis na paraan ay mababahiran na ng kalawang. Ang episode na yun ng Debate ay isang indikasyon ng mga hindi magagandang pangyayari na idudulot ng pulitika sa kanyang buhay.
Tama yung nagsabi na iba si FPJ sa kaibigan niyang si ERAP. Ang sigurado, maiiwasan niya ang mga pagkakamali nito. At the same time, naniniwala ako na kinakailangan niyang magsimula sa ibaba muna. Gaya ni ERAP na nag-mayor muna bago tumakbo sa Senado, bago nag-bise presidente at presidente. Yun ngang nagdaan na si ERAP sa lahat ng ito ay pumalpak pa rin siya, paano na ang isang artista na tulad ni FPJ na ang karanasan ay pawang may kinalaman lamang sa pelikula?
Nakita sa Debate ang kalupitan ng ilang mga tao. Marami pang mas malulupit sa kanila, mga nagpapanggap na magagaling pero, mga bulok din naman. Wala rin namang nagagawa para sa bansa at sa kanilang mga kapwa.
Sa totoo lamang, ang daming takot na tumakbo si FPJ, hindi dahil baka pumalpak din siya, kundi dahilan na baka sa kanyang kaliitan at kasimplihan ay makapagsimula ito ng isang non-corrupt government. Sabi nga ni Councilor Cita Astals, anong malay natin.
Napansin ko lamang na kahit positibo ang kanyang mga awitin, may nabakas akong lungkot sa mga ito. Is Wency lonely?
Nevertheless, maganda ang "Langit sa Lupa", naglalaman ng 10 awitin kasali ang "Hanggang" at "Magpakailanman" na nilagyan niya ng bagong bihis. May dalawang cuts ang "Magpakailanman", ang isa ay ang naririnig na theme song ng programa sa TV ni Mel Tiangco. Ang ikalawa ay parang rock.
Para sa album, hiningi ni Wency ang suporta ng kanyang mga kaibigan, si Mon Espia para sa acoustic, electric guitar at back-up vocal, Rommel dela Cruz sa base, Rannie Raymundo para sa drums at cajon, at si Victor Onia sa piano at synthesizers.
Ang iba pang kanta sa album ay ang "Kantahan", "Awit", "Lagi Kitang Mamahalin", "Ang Lahat Ko Ay Ikaw", "Pangako ng Bukas" at "Langit sa Lupa".
"Hindi ganito ang usual na roles ko na mga boy next door type at pang-matinee idol," bungad niya sa single presscon na ibinigay sa kanya ng Regal Films para sa early promo ng pelikula.
"Anak ako rito ni Lorna Tolentino. May girlfriend ako rito na Pinay (Chynna Ortaleza) pero, sa Chinese culture ay may babae nang naka-arranged para sa akin. Kaya sobrang against ang mom ko sa relationship namin. In the process, naging depressed ako, naging rebelious dahil wala akong lakas para suwayin ang mother ko. Nakakapag-open ako rito sa first wife ng father ko na ginagampanan ni Tita Susan (Roces)," ani Richard.
Tinatanggap ni Richard ang hamon ng mga ganitong pelikula dahil "Gusto kong maging versatile. Gusto ko ng ibat ibang roles. Gusto kong malaman kung makakaya kong gampanan ang maraming roles."
Kasama rin naman si Candy sa pelikula pero, parang nagmistula siyang guest lamang. Mabuti pa ang introducing na si Anne Borromeo, binigyan ng highlight sa pelikula.
Maganda naman ang naging resulta ng launching movie ni Candy, di ba? Kaya lamang kailangang bantayan niya ang kanyang pangangatawan dahil nagdaragdag siya ng timbang.