Im sure ito ang nagbigay ng ideya sa ABS-CBN na gawing isang ganap na programa ang dati ay isa lamang segment ng ASAP Mania, ang the search for a Star In A Million.
Magsisimulang mapanood ang Star In A Million na ang mga hosts ay sina Edu Manzano at Zsazsa Padilla sa Nobyembre 8, 5:30 n.h., kapalit ng Willingly Yours. Kasama rin si Ryan Agoncillo na siyang magiging host ng reality component ng show, na kung saan ay ipakikita ang mga activities ng 10 finalists na kung saan ay mahuhubog sila sa pagiging mga singing stars at makikita ang ibat ibang mukha ng kanilang personalidad, parang isang soap opera, ang kaibahan lamang ay drama ito in real life.
Ang mga finalists na napili matapos ang ilang buwang eliminations ay sina Christian Bautista, Gayle Dizon, Czarina Rosales, Marinelle Santos, DK Tijam, Michelle San Miguel, Sherin Regis, Teresa Garcia, Johann Esanan at Eric Santos.
Isang finalist ang mawawala linggu-linggo hanggang maging lima na lamang sila na siyang maglalaban sa grand finals na magaganap sa Disyembre 30. Bawat contestant ay bibigyan ng grade ng mga expert judges na sa pilot week ay bubuuin nina Cherie Gil, Mel Villena at Mitch Valdez.