JV Villar, gustong kumanta, umarte

Dahil sa pag-endorse ng isang detergent powder ay na-suspend ang newscaster na si JV Villar sa News Department ng Channel 2. Imbes na malungkot ay ikinokonsidera ng boyish-looking na si JV na blessing in disguise ito dahil sa kinuha siya ng The Buzz bilang segment host ng Buzz Exposed tuwing Linggo ng hapon. Pagkakataon niya na rin itong ipagpatuloy ang paglabas sa mga TV commercials at bigyang-katuparan ang pangarap niyang maging isang singer at aktor.

‘‘High school pa lang ako ay nag-enroll na ako sa Center for Pop Music at Ryan Cayabyab’s Music Studio kung saan ay nakasabay ko pa sina Jolina Magdangal at Lindsay Custodio,’’ ani JV.

Unti-unting naging reyalidad ang ambisyon niyang maging singer at artista. Sa susunod na buwan ay magkakaroon si JV ng mini-concert sa Merk’s Bar at malapit nang umpisahan ang pelikula niyang U-Belt under Angora Films kung saan ay makakasama niya sina Aleck Bovick, Michelle Estevez at Lander Vera-Perez.

Graduate si JV Villar ng Communications Arts sa University of Santo Tomas. –Dennis Adobas

Show comments