Jolina, hinihimok sa pulitka

Dahil sa nalalapit na eleksyon, pinilit talagang tanungin ng ilang movie press si Jolina Magdangal kung may balak din itong pasukin ang pulitika?

"Ayoko po talagang magsalita ng patapos, kasi hindi mo naman talaga alam kung ano ang mangyayari, pero sa ngayon po, yung mangampanya na ako mismo ang tatakbo, ayoko. Okay na sa akin ang pagtulong sa mga tao sa abot ng aking makakaya."

Pero anong posisyon ang gusto mo kung sakaling tatakbo ka?

"Ayoko nga po, eh! Wala nga po akong maisip na posisyon, pwede Mayor? Ha!Ha!Ha!Ha! Hindi po, ayoko po talaga!"

You’re hosting The Working President on television, hindi ka ba nadadala ng mga sitwasyon, ng mga pwedeng gawin kapag Pangulo ka ng bansa, o isang pulitiko?

"Hindi naman po. Kahit natutuwa ako sa nakikita ko doon, na andami palang matutulungan na kababayan natin. Ako rin naman po, tumutulong sa abot ng aking makakaya. Pwede ko rin gawin yun kahit hindi ko pasukin ang politics. Wala po talaga sa plano ko ang pasukin ang pulitika."

Abala ngayon si Jolina sa kanyang Narito Ang Puso Ko, aired weeknights over at GMA 7. Palaban at mala-Amor Powers at Madam Claudia ang mga confrontation scenes nila rito ni Karen delos Reyes.

Ipalalabas na rin ang pelikulang Annie B. (Bida ng Ukay-Ukay, Bongga Siya ‘Day). Mga leading men niya sa movie sina Dingdong Dantes at Jordan Herrerra. Kasama sina Gloria Romero, Armando Goyena, Ronaldo Valdez, Amy Austria, Bobby Andrews, Janice de Belen, Iza Calzado and Sarah Geronimo sa direksyon ni Louie Ignacio. Ben Dela Cruz

Show comments