Kung totoong pirated ang mga ito bakit ang mga pirated discs lamang at tapes ang bawal? Bat hindi pati ang mga players? Bakit ang mga kinukumpiska ay mga bala pero never ang mga players?
May sapat na kakayahan si Edu para pamunuan ang VRB. Naging pangulo siya ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino, dating KAPP. Marami ang pwedeng magsabi kung ano ang mga nagawa niya bilang pinuno ng mga artista.
Naging bise alkalde rin siya ng Makati.
Tungkol naman sa tapang na kinakailangan ng isang namumuno ng VRB, sinabi ni Edu na "Kakayanin ko kung ipagkakatiwala sa akin. Pero, kung hindi naman okay lang, tutulong pa rin ako sa sarili kong pamamaraan," anang aktor na buong araw yatang nakikita sa TV dahilan sa kanyang mga programang Magandang Umaga Bayan, ASAP Mania, Showbiz Sabado at OK Fine Whatever.
Pinamagatang DZRJs 40th: The Grand Reunion, ihahandog ito ng Globe Handyphone sa pamumuno ni Ramon "RJ" Jacinto, the man behind the station DZRJ. Makakasama niya ang mga artists nung taong 60s hanggang sa kasalukuyang panahon. Gaya nina Jose Mari Chan, Joey Pepe Smith, Freddie Aguilar, Jolina Magdangal, The Rage Band, Andrew E., Pilita Corrales at si Sampaguita.
Tutugtugin ng mga malalaking banda ang kanilang mga signature numbers: RJ and the Riots para sa 60s; Hotdog and Boyfriends para sa 70s; The Dawn para sa 80s; Pido with Take One para sa 90s; Barbies Cradle and Moonstar88 para sa bagong milenyo.
Makiki-jam sina Elizabeth Ramsey at Jaya kay RJ. Ang dalawang local Elvis Presley, sina Edgar Opida at Boy Sanchez at pati na ang piyanistang si Raul Sunico ay magra-rock and roll!
Completing the line- up of 25 bands and solo performers are Leah Navarro, Karylle, Mitch Valdez, Janet Basco, Louie Heredia, Ernie Delgado ng Electromaniacs, Asin, Aegis, Hi-Jacks, Moonstrucks, Cowboy, Father & Son at marami pa.