TV tinatalo na ang sine
October 22, 2003 | 12:00am
Paano ka ba pupunta ng sinehan para panoorin ang mga paborito mong artista kung nakikita na pala sila sa TV?
Totoo, nanganganib na namang lumubog sa kumunoy ang nakakaahon na sanang industriya ng pelikulang lokal. Dahilan lamang ito na sa higpit ng labanan ng mga networks ngayon ay hindi lamang sila nagpapaligsahan sa pagpapalabas ng magagandang panoorin kundi mga bagong pelikula na ang kanilang ipinapapanood.
Dati swerte nang makapanood sa TV ng mga pelikulang dalawa o tatlong taon nang naipapalabas sa mga sinehang komersyal. Ngayon, buwan na lamang ang pinalilipas at mapapanood mo na ang mga pelikulang kailan lamang ay pinilahan sa mga sinehan pero, hindi natin nakita dahil pambili lamang ng bigas o pambayad lamang sa iskwela ang hawak nating pera.
Nitong nakaraang linggo, nagsawa ako sa kapapanood ng mga bago at magagandang pelikula sa CinemaOne.
Gaya ng Mga Munting Tinig, ang pelikula ng kaklase kot kaibigang si Gil Portes. Sumandali lamang itong ipinalabas dito at dagli nang inilabas ng bansa at iniikot sa mga film festivals sa abroad na kung saan ay hinahangaan ang magandang pagkakaganap dito ni Alessandra de Rossi, Gina Alajar, Amy Austria bagaman at ang talagang nakita kong magagaling umarte ay ang mga kabataang artista na talaga namang pinahanga ako sa kanilang galing sa pag-arte.
Ilang ulit akong napaiyak sa panonood.
Nakaramdam lamang ako ng panghihinayang dahil kung malabis lamang ang pera ni Portes at kung mayaman lamang ang nakuha niyang producer, siguro ay mas maganda pang lumabas ang movie.
Malungkot din ang Nine Mornings pero, masaya ang ending. Di pa nalalaunang maipalabas ito, makaraan lamang ang Kapaskuhan pero, heto at nasa TV na. Cute sina Donita at Piolo, maganda silang pareha pero, wala silang kilig bilang magkapareha.
Yun namang Magnifico, okay din. Ang galing ni Jiro (Manio), bata pa, magaling na. Hintayin natin siyang lumaki at mayroon na tayong potential na best actor. Iyakan ang pelikula at very depressing di tulad ng Munting Tinig na masaya kahit nakakaiyak.
Isinasali rin ito sa mga filmfest sa abroad.
Hindi lamang naman ang mga reruns ang magandang panoorin, pagandahan na rin ng mga drama series o telenovelas.
Ang Meteor Garden, malakas pa rin ang hatak. Ang mga kasambahay ko, nanonood na nito araw-araw hanggang Sabado, nanonood pa ng rewind at may mga tapes pang binabalik-balikan. Nahawa na rin ako sa kanila. Hindi na kumpleto ang araw ko kapag di ko nakita ang alin man kina Daomingsi, ShanCai o Huazelei.
Sa opisina nahawa ako sa mga kasamahan sa trabaho na nag-aabang ng Endless Love. Panay ang iyakan nila. Naging interesado ako kaya nag-surf ako sa internet tungkol dito at nalaman ko na gawa pala ito ng mga Koreano. Kahit na sinabi ko sa mga officemates ko na tragic ang ending nito, sige pa rin sila sa panonood at pag-iyak, lalo na ngayong magtatapos na ito. Kung humaba pa ito, natatakot akong maubusan ng luha ang mga kasamahan ko.
Nung Lunes, naka-relate ako ng husto sa I Witness. Isa akong pet lover, marami akong alagang isda, ibon, aso, pusa, turtle at bago nagpakamatay ang Myna ko, source siya ng happiness ng buong pamilya ko. Binigyan pa siya ng mga anak ko ng magandang libing sa likod bahay. Kung hindi ko napanood ang episode ni Pikoy, baka nag-iipon na ako ngayon ng pamalit sa namatay kong Myna.
Bukas, Huwebes, magpapaligsahan ng palabas ang Maalaala Mo kaya at Magpakailanman. Si Ate Gay ang tampok na istorya sa Siyete at buhay naman ni Gladys Reyes ang sa Dos.
Pagdating din sa mga sitcoms, nasa Two at Seven ang labanan bagaman at di ko pinalalampas ang Sing-Galing ng ABC5, ang mga cooking at sports events shows ng Cable Channel, talk shows ng ANC at marami pa. Maski nga ang Chinese station dinadalaw ko.
Sa tanghali, bago ako umalis, palipat-lipat ako ng panonood sa Morning Girls at Sis. Naloko rin ako kina Betty La Fea at All My Love nun pero, ngayon, kay Daniela muna ako.
Ang dami-dami talagang mapapanood sa TV kaya paano pa ako lalabas ng bahay para manood ng sine? Hintayin ko na lang sa TV, tutal, bukas makalawa, nasa small screen na ang mga ito. At habang naghihintay ako, may mga news programs, even educational shows. Yung mga drama series sa hapon hanggang gabi, sa sasakyan ko na pinanonood. Totoo po, ganun kahaba at katagal ang traffic.
Sampung taon na ang NU107 Rock Awards kaya ang pinaka-huli nilang awards night sa Nobyembre 26 na magaganap sa World Trade Center ay magiging isang ispesyal na palabas, kakaiba sapagkat ang pagdiriwang ay isa ring malaking concert. Bukod sa gagawin nilang Rock Award, magsasama-sama sa stage ang mga top bands ng bansa at ang mga fast rising rock groups.
Naririto ang mga list of nominees:
BEST NEW ARTIST: Kamikaze, Sugarfree, Kapatid, Pan, Bent, 7Ft Jr. ARTIST/BAND OF THE YEAR: Kamikaze, Parokya ni Edgar, Sugarfree, Razorback, Pan SONG OF THE YEAR: "Mr. Suave" (Parokya), "Mariposa" (Sugarfree), "Wakasan" (Razorback), "Steve" (Cheese), "Dumpsite" (Pan), "Soul Searching" (Urbandub), "Burnout" (Sugarfree) ALBUM OF THE YEAR: "Bigotilyo", "Kamikaze", "Sa Wakas", "Razorback", "Parnaso ng Payaso", "Prick Me" BEST MUSIC VIDEO: "Lucky" (Avid Liongoren), "Mr. Suave" , "Karmic", "Dumpsite" (Iris Rabaca/Matanglawin), "Mariposa" (Quark Henares), "Burnout" (Quark Henares), "All I Need" (Raffy Francisco), "Kape" (Ramon Bautista), "Daisy" (Pedring Lopez/Kiko Po), "Make-Up" (Marty McFly), Everyday" (Avid Liongoren), "Hunger" (Maria Ancheta). BEST ALBUM PACKAGING: Ace Enriquez & Allan Burdeos, FH Prod. Inc.,Miguel Mari, Ulysses Veloso/Barbie Almalbis/Yvette Co, Herbert Hernandez. VOCALIST OF THE YEAR: Jay Contreras, Chito Miranda, Barbie Almalbis, Kevin Roy, Dong Abay, Ebe Dancel, Karl Roy. GUITARIST OF THE YEAR; Tirso Ripol & David Aguirre, Allan Elgar, Ira Cruz, Jomaol Linao & Led Zeppelin Tuyay,Gab Chee Kee & Dar Semana BASSIST OF THE YEAR; Jason Astete, Buwi Meneses, Louie Talan, Nathan Azarcon, Jal Taguiba, Rommel dela Cruz DRUMMER OF THE YEAR; Allan Burdeos, Brian Veloso, Dindin Moreno, Maruinito Balbuena, Mitch Singson, Wendel Garcia PRODUCER OF THE YEAR: Chito Miranda & Eight Toleran, Angee Rozul & Ebe Dancel, Parokya ni Edgar, Bob Aves & Kapatid, Louie Talan & Razorback, Barbies Cradle & Angee Rozul, Pan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended