Juday, maiinsulto kung hindi mali-link kay Robin
October 21, 2003 | 12:00am
Seryosong ipinahayag ni Judy Ann Santos na malaking insulto sa kanya kung hindi siya i-link kay Robin Padilla dahil balitang lahat ng naging leading lady ng aktor ay niligawan nito. Parang hindi kagandahan sa parte niya na iitsapwera siya ng aktor dahil feeling nito ay di siya ganoon kaganda at kaseksi sa kanyang mga ibang naging leading lady na nabalitang ilan ay naging syota niya.
Maraming nakapansin na posibleng defense mechanism lang iyon ni Juday dahil sila ngayon ni Robin ang pinag-uusapan sa showbiz. Pero nang tanungin naman siya kung gusto nitong maging pangalawang asawa ng aktor dahil pinapayagan sa Islam na ang lalaki ay pwedeng mag-asawa ng marami. "Ay hindi, I respect his family, I respect him a lot and I respect Liezl and the kids so much so walang question sa amin," aniya.
Ayon kay Juday ay di pa sila nagkita ng personal ng asawa ni Robin at natural na di sila nagkausap pero, natitiyak ng aktres na walang magiging problema sa kanya at sa pamilya ni Robin. Taas noo naman siyang makikipag-usap dito dahil wala naman siyang nagawang bagay na dapat ikagalit nito. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended