Bong at Ara magkasama sa banquet ni Bush sa Malacañang

Tanong lang naman: Bakit si Ara Mina ang ka-date ni VRB Chairman Bong Revilla sa State banquet sa Malacañang nang dumating si US President George Bush? Bakit kaya hindi ang wife niyang si Lani Mercado?

O baka naman, representative lang si Ara ng father niyang si Congressman Chuck Mathay at nagkataon na hindi rin makaka-attend si Lani?

Well, sila lang makakasagot niyan.
* * *
Maraming back-up si Charlene Gonzales nang pakiusapan ang asawang si Aga Muhlach na payagan ang kambal nila - Atasha and Andres na lumabas sa isang commercial. In fact, pati ang mommy niya (Ms. Elvie Gonzales) and Aga’s manager (Ms. Ethel Ramos) ay kasama sa nag-explain sa actor na minsan lang naman ito at okey na souvenir. "Para naman pag laki nila, makikita nila ‘yung ginawa nila," Charlene explains. Ang ending: pinayagan din sila.

Pormal na inintroduce sina Atasha and Andres as Prokids endorser together with mommy Charlene sa isang presscon sa Manila Peninsula.

Enjoy ang kambal although natakot si Atasha no’ng una. Ayaw pumasok ng venue dahil medyo na-shock siya sa rami ng TV camera na sumalubong sa kanila. Pero after a minute, iba na ang mood niya. Nagwi-wave na sa mga tao na kaharap niya. Panay na rin ang laro nila habang on-going ang presscon.

Nang i-play ang commercial nila sa malaking video, panay ang sigaw ni Andres.

First time itong nangyari na nag-presscon ang dalawang bagets, turning two ang kambal next month.

Anyway, during the shooting din daw for their commercial, wala silang (people behind the project) na-experience na temper sa kambal. As in smooth lahat except pag kailangan nang magpahinga ng dalawang bagets.

Kaya nga ang ini-expect nila, four days silang magso-shooting pero nakuha nila ng two days.

Sa first day lang ng shooting nanood si Aga at proud father daw dahil nakita niya kung gaano kagaganda ang kambal at kung gaano siya kaswerte sa pamilya niya. Kaya nga raw most of the time, nagpapasalamat na lang si Aga sa Diyos sa ibinigay sa kanyang asawa at mga anak.

No’ng first time daw na makita ng kambal ang sarili nila sa TV, medyo natawa lang daw. Ang explanation ni Charlene: sanay na raw naman kasi silang makita ang mga ito sa TV.

Before Prokids, maraming offer na commercial ang mag-iina. Pero mas pinili niya raw ang Prokids dahil mas convenient itong gamitin. "Being a new mom I experimented and found Prokids to be superior to the other brands I tried. That’s the prime reason I am endorsing Prokids - because I believe in it and my kids like it. I don’t easily endorse products or allow my twins to do so as well," sabi niya.

Hands on parents sila kina Atasha at Andres kaya pati pagpapalit ng diaper, ginagawa nilang mag-asawa kaya nga malaking tulong ang Prokids dahil alam naman nating lahat kung gaano ka-hectic ang schedule nila.

Anyway, si Atasha kwento ni Charlene, ngayon palang ay marunong ng maglagay ng lipstick. Nakikita raw kasi kung anong ginagawa niya kaya ginagaya. One time daw, may biniling lipstick si Charlene, expenssive daw. Nilagay niya muna sa drawer. No’n daw hinahanap na niya, hindi nila makita. ‘Yun pala, nilaruan na ni Atasha at hindi na niya pwedeng gamitin.

Si Andres naman daw, sobrang hilig sa airplane toys at kotse.

Well, looks like si Atasha ay nagmana sa mommy niya, at si Andres sa daddy niya na sobrang hilig sa sasakyan.

Kasa-kasama na rin ng mag-asawa ang kambal everytime na pupunta sila sa kanilang farm sa Batangas. Enjoy daw ang dalawang bata sa farm na pareho nang naglalakad.
* * *
Star studded at makulay ang ginanap na 50th anniversary presentation ng ABS-CBN sa PICC last Friday night na napanood noong Linggo ng gabi sa isang TV special sa ABS-CBN.

Katulad ng promise nila, exciting ang show na dinaluhan ng mga top guns ng ABS-CBN headed by Mr. Gabby Lopez, Mr. Freddie Garcia, Mr. Jake Almeda Lopez and Ms. Charo Santos-Concio.

Si Ai-ai delas Alas ang opening number na hit talaga pag nagbitiw na ng dialogue. Although ‘yung iba niyang joke, narinig ko na sa kanyang previous show. Siya ang nag-open together with musical director Ryan Cayabyab sa isang video presentation.

Sinundan ng number ng napakaraming stars ng ABS-CBN - all star cast.

Si Ms. Leila Benitez na dean of student canteen in her time ang nag-introduce kay Mr. Eugenio Lopez III, ang Chairman and CEO of ABS-CBN. "Tonight we pay homage to an enduring symbol of Philippine television - ABS-CBN. Our story has been compelling at every turn. From the moment ABS-CBN first enthralled Filipinos with the nation’s first telecast, we have journeyed far. ABS-CBN has prevailed over the most daunting challenges, shooting to the top of the ratings with the most innovative programming and the brightest stars, expanding its reach to every corner of the nation and beyond, and shaping the destiny of Philippine entertainment.

"The story of ABS-CBN may have taken a number of twists and turns, but one thing has remained constant - the Filipino viewers has always been the foremost consideration in our every action, and at the heart of every service we provide."

Si Ms. Charo Santos-Concio, EVP and Head of ABS-CBN Entertainment Group, ang siya naman nag-introduce kay Mr. Freddie Garcia, President and COO na nag-schedule nang mag-retire ngayong taon.

Si Claudine Barretto ang nag-introduce ng mga soap operas na napanood natin sa ABS-CBN sa loob ng mahabang panahon.

Si Ariel Ureta and Kristine Hermosa sa variety shows, talk and game shows, sina Kris Aquino and Pepe Pimentel na hindi ko alam kung nagjo-joke.

Si Sen. Noli de Castro ang nagbigay ng parangal sa mga kapamilya ng ABS-CBN na nasa kabilang buhay na.

Lahat na yata ng kampamilyang artista ng ABS-CBN ay present para sa celebration nila ng golden anniversary.

Highlight din ng musical extravaganza ang honor na ibinigay ng Dos kay Dolphy, ang undisputed comedy king na iprenisent ni Maricel Soriano.

Pero mas nag-enjoy ang audience nang mag-join sa kanya sa stage sina Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga. Matagal na panahon din kasing sa ABS-CBN napanood ang EB bago ito napunta sa Channel 7. Classic talaga ang grupo nila na bukod sa magagaling na comedian ay magaling ding kumanta. Nang kumanta pa si Vic, together with Dolphy ng "Young at Heat", "You Make Me Feel So Young", na-joke si Vic na para na rin ‘yun kay K (referring to Kris Aquino) na nasa audience. Nag-react tuloy ang crowd.

Walong top designer ang gumawa ng mga damit ng mga stars na ang ABS-CBN ang nag-provide.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph/salveasis@yahoo.com

Show comments