Bukas na liham para sa PMPC president
October 20, 2003 | 12:00am
Ang sumulat, si Mr. Ernie Pecho ay dating presidente ng Philippine Movie Press Club. Sa panahon ng kanyang panunungkulan sinimulan ang Star Awards for Television.
Dear Julie,
Una sa lahat, hindi ko maaaring isulat ang liham na ito para sa PMPC. Hinding-hindi ikaw ang Philippine Movie Press Club at sa lahat ng magandang simulaing kinakatawan ng grupo. Kahit sabihin pang sakop mo na raw ang lahat ng kapangyarihan sa club, imposibleng maangkin mo ang isang institusyon na datiy iginagalang ng lahat ng mga taga-industriya ng showbiz.
Talaga palang malala na ang ilusyon mong sakop mo ang lahat ng aming ginagawa sa buhay - pati panonood ng TV. Pati ang bintang mong hindi nanonood ng telebisyon, kaming mga dating pangulo ng PMPC isa sa mga kahangalan mo. Pumunta ka sa bahay at malalaman mo na ang libangang ito ang umaakupa ng halos majority ng aking waking hours - mula sa umaga hanggang lampas ng hatinggabi. Kung minsan kasi, mas maraming relevant shows na dapat mapanood sa mga graveyard slots. Kundi mo naintindihan kung ano ang sinabi ko, magtanong ka sa mga may higit na kaalaman sa iyo.
Malinaw na sinabi ko sa mga nag-interview sa akin na mahirap mapatunayan na may naganap na bilihan ng 2003 TV Star Awards. Meron ba namang mga taong tumanggap ng suhol o nagbenta ng mga bagay na hindi naman dapat ipagbili na magpapa-pictorial pa o kayay pipirma sa voucher? Hanggang ngayon, marami pang mga sitsit tungkol sa ilang anomalyang naganap. Nandiyan ang isang sinabing blow-out party sa isang restaurant sa tapat mismo ng ABS-CBN, a day before the selection of the winners. Ang balita pa, 15 kayong voting members na nandoon. Ang bumoto 26 lang. Kung tangay ang 15, higit pa sa majority na maaring magpasya para mahakot ang mga tropeo na tila nawalan ng saysay.
Pinagbintangan mo pa kaming mga dating presidente ng club na wala namang ginawang tulong. Ipaaalala ko lang sa iyo na noong mga terms ng ibang pangulo ng PMPC, tinatawagan kami o kinukumbida pati sa deliberations at nabibigyan pa kami ng karapatang bumoto.
Bakit sa administrasyon mo hindi mo kami nakumbida, kahit man lang sa awards night mismo. Hindi mo man lamang nabigyan ng due courtesy ang mga taong naghirap upang maitatag ang Star Awards at ang mga taong nagsikap nang husto upang mapanatili ang kredibilidad ng PMPC.
Isa pang nakapagtatakang pangyayari noong araw mismo ng awards, ang pagkikita ninyo sa beauty parlor ng GMA Vice President for TV Entertainment na si Miss Wilma Galvante. Kahit pabalat-bunga o pa-plastic man lang, hindi mo nabanggit sa kanya na magkita kayo sa awards night!
Alam mo, once an award-giving body lost its credibility, its entire process becomes an exercise in futility. Sayang naman ang Star Awards ng PMPC kung sa kagagawan ng ilang tao ay magiging kaput.
Panoorin mo uli ang tape ng TV Star Awards at baka sakali na pati ikaw, tulad ng isang ostrich, ibaon ang ulo sa lupa sa malaking kahihiyan.
Nagpasalamat sa kanyang show dahil dito raw siya natutong kumanta. Samakatuwid, hindi talaga marunong kumanta at sinabak nang mag-perform sa "winning" show. Naalala ko tuloy ang Eskwelahang Munti.
At the end of the day, parati kang haharap sa isang malaking salamin. Tingnan mo ang iyong magandang sarili. Tumitig ka sa mga sariling mga mata at sabihin: "Malinis ang aking konsensya. Walang bahid-dungis ang aking integridad".
Signed:
Ernie Pecho

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended