Sa unang album palang ni Aiza na "Pagdating ng Panahon" ay ginusto na nitong maka-duet ang itinuturing niyang "TV dad", pero, hindi natupad dahil busy si Vic. Ang "What Matters Most" ang first-single release ng bagong album ni Aiza.
Ang "Sabi Ng Kanta" ay isa lang sa tatlong bagong album ng Vicor na kanilang ilalabas sa selebrasyon ng kanilang 38th anniversary. Ire-release rin nila ang "Yes Lets Sign Part 2", na follow-up sa 2000 release. Ang acoustic compilation ng "Nescafe Dewired" na naglalaman ng 12 original compositions ng mga sumali sa competition staged by Nescafe at Big Pictures Productions at ang re-issue series na mga album na hindi pa nare-release sa CD format.
Siyanga pala, may nationwide launch ang duet nina Aiza at Vic ngayong Lunes participated by top radio stations all over the country.
Gusto ng dalawa na sila ang pipili ng kanilang kakantahin na hindi naman bagay sa concept ng awards night. Para hindi na ring mamrublemay hindi na pinilit ng Airtime Marketing at ni Director Al Quinn na isali sa production number ang dalawang female singer.
Pero, sa rami ng kontrobersya sa katatapos na Star Awards for TV, nagpalasamat pa siguro at hindi pinanghinayangan ng dalawang female singer ang hindi nila pagkakatuloy mag-perform sa awards night.
Dalawa sa bagong lipat sa Channel 2 ay sina Angelika dela Cruz (nagbabalik lang siya) at Tirso Cruz III. Isasama si Angelika sa Sanay Wala Nang Wakas, samantalang si Pip ay kasama sa cast ng bagong soap opera nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Kasama na rin ang dalawa sa talent ng Channel 2 na kinunan para sa station ID ng network. "Mabagal sila," sabi ni Pip na ang tinutukoy ay ang offer ng Channel 7.
Nakita naman namin sa launching ng limang bagong show ng Channel 7 ang mga artistang dating identified sa Channel 2. Kabilang sina Johnny Delgado, Gary Lim at Edgar Mortiz na kasama nina Christopher de Leon at Pops Fernandez sa All Together Now.
Nasa launching din sina Jestoni Alarcon at Tintin Arnaldo na kasama sa cast ng Twin Hearts. Bagong lipat din sa Channel 7 si Wilma Doesnt na nasa cast ng Te Amo.
Sa limang bagong show ng Channel 7, unang mapapanood ang Lagot Ka, Isusumbong Kita na ngayong Lunes na ang pilot telecast. Bida rito sina Richard Gomez, Raymart Santiago, Benjie Paras at Joey Marquez. Kasama rin sa cast sina Pilita Corrales, Maureen Larrazabal, Nancy Castiglione, Vangie Labalan, Bearwin Meily at Cogie Domingo.
Tiniyak ni Vic na iba ang story ng Fantastic Man sa Lastikman at sa pagiging super-hero lang nagkapareho ang dalawang pelikula. Hindi man sinabiy, iniwasan siguro nina Vic at Orly Ilacad na maghabol ang pamilya ni Mars Ravelo na kung inyong natatandaan ay nagkaroon ng isyu nang hindi sila magkasundo sa hininging bayad ng Ravelo family sa rights sa story ng Lastikman.
Umaasa naman si Vic na magugustuhan din ng moviegoers ang Fantastic Man. Puno rin daw ito ng action at gagastusan ng malaki ang special effects. "Im still counting," ang sagot nito sa tanong kung magkano na ang nagagasta nila sa special effects.
Bilib sina Vic at Orly sa galing ng mga Filipino technician, kaya ang Road Runner ang gumagawa nito. Ang hindi makakaya ng Road Runner ay ipadadala nila sa Australia.
Bukod sa special effects, ang kissing scene nina Vic at Ara Mina ang tiyak na aabangan ng tao. Ngayon lang yata magkakaroon ng marami at torrid kissing scene si Vic sa kanyang pelikula.