Kabilang sa magsisimulang programa sa GMA ay ang Startruck, isang reality-based talent search na magkatulong na ihu-host nina Dingdong Dantes at Nancy Castiglione; ang teleseryeng Twin Hearts na tatampukan nina Rudy Fernandez, Pops Fernandez, Dingdong Dantes, Tanya Garcia, Lani Mercado, Jestoni Alarcon, Dennis Trillo at iba pa; ang bagong sitcom na All Together Now na muling pagsasamahan ng Bad Bananas old buddies na sina Christopher de Leon, Edgar Mortiz at Johnny Delgado kasama sina Pops Fernandez, Angel Locsin, Alicia Mayer, Kakai Brosas, Gary Lim, Contin at iba; ang isa pang bagong sitcom na Lagot Ka, Isusumbong Kita na tatampukan nina Richard Gomez, Joey Marquez, Raymart Santiago at Benjie Paras kasama sina Pilita Corrales, Maureen Larrazabal at Nancy Castiglione at ang kakaibang programa na Celebrity Turns na magkatulong na ihu-host nina Juni Lee (Michael V.) at Lani Misalucha.
Halos lahat ng cast ng limang bagong programa ay dumalo liban kay Pops Fernandez na kasalukuyan pang nasa Amerika kasama si Martin Nievera for a series of concert tour na magtatapos pa sa kalagitnaan ng susunod na buwan. Maging ang Argentinian actor na si Segundo Cernadas (ng Monica Brava fame) ay nakihalubilo sa nasabing kasayahan.
Sina Butch Francisco at Kai Brosas ang magkatulong na nag-host sa bonggang GMA All-Out Blowout na dinaluhan ng mga bigwigs.
Ang Bad Girls showdown ay tinatampukan ng mga bold star na sina Tracy Torres, Rose Valencia, Julia Lopez kasama sina Hanni Miller, Pamela Ortiz, Ilonah Marquez, Yvette Yzon, Tanya Trillanes at Keanna Reeves.
Sa titulo pa lamang ng Bad Girls ay marami na ang nagtatanong kung gaano sila ka-bad?
Isang advertising executive ang ama ni Jolina na nagbitiw sa kanyang trabaho para mapangalagaan ang career ng kanyang anak. Sa tulong na rin ng mga magulang ni Jolina, nakapagtayo ito ng negosyo at ng isang magarang bahay na kumpleto ng mamahaling kagamitan. Kung hindi marunong mag-manage ng finances ni Jolina ang kanyang mga magulang, baka natulad siya sa iba na sa wala rin mauuwi ang lahat ng kanyang mga pinagpaguran.
Hands off si Jolina sa kanyang kinikita at humihingi lamang siya ng pera kung kailangan lamang niya. Palibhasay buong-buo na sa bangko napupunta ang mga kinikita ng dalaga, nabibili nito kahit anong mamahaling gamit at ang pinakabago niyang acquisition ay ang mamahaling BT Cruiser na milyunes ang halaga.
Kung tutuusin, sa edad ni Jolina na 25, kaya na niyang magsarili, pero ayaw niyang humiwalay sa kanyang mga magulang na siyang patuloy na kumakalinga at nag-aalaga sa kanya.
Marami na kaming alam na mga kilalang artista na kumikita noon ng limpak-limpak na salapi pero mahirap pa sa daga ngayon dahil hindi napangalagaan nang maayos ang kanilang kinikitang pera. Palibhasay wala silang malasakit sa perang kanilang pinagpaguran, para rin itong hangin na naglaho na parang bula.