$70 thou ang suot na gown ni Cindy Kurleto sa Star Awards

Sa unang tingin ay masasabing simple at ordinaryo ang gown na suot ni Cindy Kurleto sa nakaraang Star Awards for TV. Sa totoo, lang pitong libong dolyares ang halaga nito at dala ito ng kanyang designer na si Ito Curata mula sa USA.

Tagagawa rin daw ng mga kasuotan ni Sharon Stone ang naturang designer. Sa ngayon ay ito pa rin daw ang nagdadamit sa ating Presidente Gloria Arroyo.

Aninag na aninag ang tee-back ni Cindy sa kanyang gown pero, hindi niya pwedeng isuot ito sa MTB.

Darating na ang rubberized na buntot galing sa America at posibleng magsisimula na si Cindy na mag-shooting ng Dyesebel. Pinag-iigihan nito ang kanyang paglangoy at pagsisid, she can not stay longer than 2 minutes under water. — Alex Datu

Show comments