Hanggang ngayon ay enjoy pa rin sa pagiging single si Vina at malabo pang lumagay sa tahimik.
Sa nakaraang Star Awards for TV ay marami kaming natanggap na feedback na karamihan ay puro negatibo na kumukwestyon sa kredibilidad ng mga namumuno dahil sa nangyaring botohan. Sabado pa lang ng umaga ay alam na kung sinong mananalo na dahilan para walang malalaking executives at artista ng Syete sa awards night. Paano nagkaroon ng leakage kung saan halos puro mga taga-Dos ang naroroon?
Gaano rin katotoo ang balitang nasasagap namin na parang bidding ang nangyaring botohan? Binigyan daw ng number sa balota ang myembro kung saan isusulat doon ang pangalan ng mga nominees na gusto nilang papanalunin. (Parang package deal) na may napag-usapang amount na malaki-laki rin. Kung talagang ibinoto ng isang myembro ang mga nominadong nasa listahan ay saka siya makakatanggap ng halagang napag-usapan.
Madaling sabihing normal naman na nangyayari ito sa kahit anong award-giving bodies pero dito masusukat ang moral values ng isang myembro na mas pinahahalagahan ang dignidad ng pagkatao kaysa sa halaga ng pera.
"Good na good siya kapag nangungutang at bibigyan pa ng exposure ang inuutangang artista. Pero kapag singilan na ay unti-unti na nitong titigbakin sa programa ang artista. "Ito ang dahilan kung bakit nawala sa kanyang show ang isang young actor na nagkamit na ng acting award at isang young actress din na mula sa angkan ng mga artista.
Alam kaya ng bigwigs ng network ang ginagawa ng EP?