"Mas mayaman sa akin si Allan dahil kasosyo ko siya rito samantalang kanya lamang ang Klownz l," aniya nang tuksuhin siya na marami na siyang pera dahil may-ari na siya ng isang lugar na tulad ng Klownz 2.
Pinamagatang Comedy Closet Queen in Concert, magsisimula ito sa Nobyembre 3 kasama sina Ogie Alcasid, Diana Zubiri at Bayani Agbayani at mapapanood sa buong buwan ng Nobyembre, tuwing Lunes. Sa Nob. 10, sasamahan siya nina Arnell Ignacio, Allan K at Janno Gibss. Mga kapatid niya sa Backroom ang panauhin niya sa Nob. 17, sina Ariel Rivera, Dessa at Streetboys. Sa Nob. 24, sina Pops Fernandez at Randy Santiago ang makakasama niya.
Malaki ang pasasalamat ni Aiai sa mga biyayang natatanggap niya kung kaya sa presscon ng kanyang month-long concert series na dun ginanap sa Klownz 2 ay nagpa-raffle siya ng mga mamahaling appliances ("Walang electric fans at plantsa dahil ayaw yun ng press," aniya), cash na ang pinaka-maliit ay P2 thou at namigay ng bags of goodies. Bongga pa rin ang inihanda niyang pa-meryenda sa press.
"Pahinga muna ako sa mga major concerts this year. Tama na muna sa kin ang mga intimate shows na kung saan ako unang nakilala," dagdag pa niya.
Napapanood regularly si Aiai sa Whattamen na kung saan ay nanalo siyang Best Comedy Actress ("Talo na naman si Rufa Mae (Quinto)," pabiro niyang sabi), Tanging Ina the Series sa ABS CBN at Sing-Galing sa ABC 5 naman.
Sa ikalawang programa ay makakasama niya ang mga Bad Bananas na sina Christopher de Leon, Edgar Mortiz at Johnny Delgado. Isa itong sitcom na pinamagatang All Together Now at tampok rin ang mga bagets ng Siyete.
Sayang at wala si Pops (nasa US siya at may concerts with Martin N.) nang magbigay ng All-Out Blowout ang GMA hosted by Butch Francisco and Kakai Brosas para sa mga artists ng mga bubuksang programa (Lagot Ka Isusumbong Kita, Richard Gomez, Joey de Leon, Raymart Santiago at Benjie Paras; Celebrity Turns with Michael V and Lani Misalucha at Starstruck, isang talent search hosted by Dingdong Dantes and Nancy Castiglione) at media. Isa yung gabi ng kantahan, sayawan at raffle na ginanap sa Le Pavilion.