Tapos ngayon, tinaasan nyo pa ang withholding tax namin. Katulad ko na walang dependent dahil hindi ako head of the family kundi ang asawa ko, pero ako ang sandalan ng 78 yrs old na nanay ko. Ang anak ko na edad 23-anyos ay matagal pang mag-aaral pero, hindi na siya deductible sa amin ng asawa ko. Bakit ganun? Kailangan bang magpeke pa ako ng dependent para lamang mabawasan ang buwis na ibinabayad ko? Di kaya ng powers ko ito.
Maski nga ilaw at tubig, may nag-offer na tutulungan akong mapababa ito, pero, di ako pumayag, takot talaga akong gumawa ng masama.
Ang daming ibang mga professionals na dapat patungan ng 30% withholding tax pero, hindi kaming may fixed income. Yung doktor nga sa ospital na malapit sa bahay namin, ayaw magbigay ng resibo pero, P500 ang sinisingil sa bawat konsulta. Kapag humingi raw ako ng resibo, daragdagan niya ang singil niya sa akin ng 10%. Gustung-gusto ko siyang ilagay sa tamang kalalagyan niya pero, di kasi ako masamang tao. Lumipat na lamang ako ng doktor. Pero, wala bang magagawa para obligahin silang magbigay ng resibo?
Yung mga kumikita ng napakalalaki, yung mga bida sa pelikula, yung mga basketbolista, pwede pa siguro sila pero, hindi kaming mag-asawa na mga simpleng empleyado lamang.
Help! SOS! Tulungan nyo kami!
Siyam na babae ang bumubuo ng Honeyshots. Napili sila sa mahigit sa 300 aplikante na tumugon sa panawagan ng PBA para sa mga cheerdancers. Pangunahing requirement ng magpiprisinta, syempre, ay ganda. Kailangang maganda ito, clean cut, attractive, beautiful. Kailangan ding magaling silang sumayaw.
Formal na iniharap sa media ng PBA, sa pangunguna ni Commissioner Noli Eala ang walo (absent ang isa, may sakit) nung Martes ng hapon. Unang performance nila sa Oktubre 19, sa laro ng PBA sa PhilSport Arena, 4:00 n.h. pero, mapapanood na sila regularly sa laro ng PBA tuwing Miyerkules, Huwebes at Biyernes.
Ang mga Honeyshots ay binubuo nina:
1) Rosemarie Arenas, 21 yrs. old, dating member ng Urban Dancers at Eezy Dancing Non-Stop; 2) Ma. Elizabeth Caoagdan, 19 years old, mula sa TCQC Dance Troupe; 3) Ria Lorraine Garcia, 19 years old, school cheerleader; 4) Ma. Fatima C. Hermosa, 21 yrs old, member ng UST Salinggawi Dance Troupe, Phil. Squad for Asian Games in Busan at Dancemasters Dance Co.; 5)Imelda Q. Palma, 23 yrs old, isang SOP Dancer, Universal Dancer, Body Heat, Eezy Dancing, Speed Dancer; 6) Teresa Paron, 18 yrs old, Cheerdancer from 1st-4th year; 7) Joe Ann Rodriguez, 20 yrs old, member Human Touch Dancer, VIP Dancer Myxxx Dancer; 8) Rustum S. Soliman IV, 19 yrs old; 9) Rustum S. Soliman Vl, 18 yrs old.