Pakibaba na lang ng kilay ang may tutol

"You can’t please everybody," very appropriate line lalo na ngayong panahon ng awards season. Tulad na lamang ng katatapos na 17th Star Awards for TV, where ABS-CBN, almost got all the trophies given by the PMPC, may mga nagtataas ng kilay, subali’t marami namang sumasang-ayon kaya, paki-baba na lang ng kilay ng mga tumututol. Dito na kami sa marami dahil ang paniwala namin, kung sino ‘yong putak ng putak, ‘yun ang nasaktan. Meaning, meron sigurong pinoprotektahan or, idol niya ang natalo, di ba?

Anyway, ipinapa-abot ang taos-pusong pasasalamat ng pamunuan ng ABS-CBN sa lahat ng mga sumusuporta at patuloy na nagtitiwala sa nasabing network.

Isa sa mga masayang-masaya nu’ng gabi ng Star Awards ay si Claudine Barretto, na sa kauna-unahang pagkakataon ay napansin din ang galing sa paghu-host dahil siya ang napiling Best Female Show Host.

Kung mahaba man o maiksi ang exposure sa TV, ang isa sa palagay namin kung bakit napansin ang galing sa hosting ng actress, ay kung ano ang laman ng mga sinabi, ang presence of mind, ang karisma at appeal sa manonood na naging batayan para piliin ang tulad ni Claudine.
* * *
After Europe trip, particularly sa Italy, para sa Milan film, puspusan pa rin ang shooting na inaatupag nina Claudine at Piolo Pascual dahil mabusisi ang kanilang direktor, Olive Lamasan lalo na’t sa mga anggulong romantic at love scenes ng dalawa. Isa kami sa nakapanood ng trailer at early rushes ng movie at papalakpakan n’yo rin ang ganda ng pelikula.

Panalo ang Milan sa mga scenic and tourist spots na sa Italy lang makikita. Maiinlab ka sa mga backdrops. Feeling mo, sana ikaw na si Claudine at hinahabol-habol ng gwapong boyfriend, in the person of Piolo sa movie.
* * *
For your comments & reactions, email me at ericjohnsalut@yahoo.com

Show comments