Pero tago lang pala ang pagka-pabling nito. Ayon sa aking source ay may naanakan itong babae na di taga-showbiz. Maganda ang babae at bata pa raw kung saan 21 years old lang ito. Alam kaya ito ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang asawa na talagang mahal na mahal din siya?
Ang aktor na pabling din pala ay may mga anak na artista rin.
Kung sa iba lang ito nangyari ay baka kung anu-ano nang masasakit na salita ang pinakawalan nito kay John. Nangangahulugan lang na sa pagsasawalang kibo ni Janice tungkol sa binanggit ng ex-hubby ay wala siyang bitterness sa puso. Hanga kami sa ganitong klase ng babae na tanggap ang reyalidad ng buhay.
Janice is intelligent and she remains emotionally stable kaya laging positibo ang pananaw nito sa buhay. Kaya naman credible siya bilang host ng Sis.
Hindi na ito nag-renew ng kontrata dahil pakiramdam ni Maui ay may paborito ngayong bagong sexy star ang Viva. Gayunpaman tumatanaw ng malaking utang na loob sa kompanya ang magandang sexy star dahil nabigyan siya ng malaking break dito at sumikat din bilang artista.
Kasalukuyang tinatapos ni Dingdong ang Malikmata na isang horror-suspense movie na entry ng Canary Films sa Metro Manila Film Festival.
Isa rin sa malaking dahilan kung bakit hindi pa siya handang magka-nobya ay dahil marami pang pangarap ang aktor na nais matupad. Nais ni Dingdong na maging isang matagumpay na direktor. Nabigyan ito ng break nang idirek ang Kakabakaba.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagwo-workshop para lalo pang mahasa sa pag-arte. Fifteen years old pa lang ang dalagita kaya malayo pa ang mararating nito.