Hindi kami personal na nakadalo sa gabi ng parangal ng Star Awards for TV pero natunghayan namin ito sa telebisyon na natapos ng pasado alas-dos ng madaling araw.
Ayaw naming maniwala sa mga kumakalat na balita na nagkaroon umano ng gapangan at the last minute kaya maraming original winners ang napalitan. Sa totoo lang, maraming winners ang kwestyonableng manalo. Napag-alaman din namin na marami sa mga members ng PMPC ay nagpi-PR sa dalawang TV networks kaya paano nga naman sila magiging fair sa botohan?
Dapat siguroy baguhin na ang mga polisya ng organisasyon kung gusto nilang maibalik ang tiwala sa kanila ng publiko.
Nanalo si Snooky dahil sa kanyang mahusay na performance sa teleseryeng Habang Kapiling Ka kung saan din niya kapareha ang kanyang ex-boyfriend na si Albert.
Magtatapos man sa ere ang teleseryeng Habang Kapiling Ka na siyang naging daan ng kanyang pagkakapanalo ng Best Drama Actress, may pelikula namang kapalit.
Hindi ko rin makakalimutan na ang first TV guesting ni Mikey ay nangyari sa dati kong TV showbiz talk show sa GMA, ang Inside Showbiz. Naging suki ko rin siyang guest sa aking dating radio program sa DWIZ, ang Inside Showbiz with Aster na tumagal ng apat na taon. Maging si Pres. Gloria Macapagal-Arroyo ay dalawang beses kong naging in-studio guest nung Vice-President pa ito at dalawang beses naman sa tv nung senador pa siya.
Nung magsimula si Mikey sa showbiz ay senador pa lamang ang kanyang ina na naging supportive naman sa kanya sa pagpasok niya sa showbiz.
Palibhasay nasa dugo ni Mikey ang pulitika at public service, kumandidato siyang vice-governor ng Pampanga at pinalad naman siyang manalo.
Sa darating na halalan ay target naman ni Mikey ang kongreso na hindi naman kataka-takang makuha niya dahil bukod sa kanyang mga constituents sa Pampanga, suportado siya ng outgoing congresswoman at maging ang mga mayors ng second district ng Pampanga.
"Nakaka-inspire ang suporta na ibinibigay sa akin ng aking mga constituents kaya lalo akong pursigido na ipagpatuloy ang aking pangarap na maging kongresista para na rin sa kanila," ani Mickey.
Sa tatlong anak ni Pangulong GMA, tanging si Mikey lamang ang sumunod sa yapak ng kanyang Lolo Dadong (former Pres. Diosdado Macapagal_ at sa kanyang ina although hindi rin masabi ni Mikey na baka pumasok din sa pulitika balang araw ang kanyang bunsong kapatid na si Dato.
Sa kabila ng pagiging abala ni Mikey sa pulitika, naisisingit pa rin niya ang paggawa ng pelikula paminsan-minsan. Katatapos lang niyang gawin ang remake ng Kapitan Kidlat at sisimulan naman niya sa Viva ang Six In The City, isang comedy movie na pagsasamahan nila nina Joey de Leon at iba pa mula sa direksiyon ni Al Tantay na siya ring nagdirek kay Mikey sa A.B. Normal College na produced din ng Viva Films.
Excited ding ibinalita sa amin ni Mikey na mag-iisang taon na ang unang supling nila ng kanyang misis na si Angela, si Mikaela Gloria sa darating na Nov. 4 pero ang birthday party na gaganapin sa Malacañang Garden ay gaganapin sa Nov. 9.