Hindi lang ito tagisan ng alindog at kaseksihan, matutuklasan din natin ang soft spot ng kanilang pagkatao sa ibang klaseng pagsubok na maaaring ipakita ang kahihinatnan nila sa buhay. Tutuklasin ng Extra Challenge kung ano ang magiging hitsura ng mga mapang-akit na mukha nila pagkaraan ng 40 taon, courtesy ng isang skilled make-up artist. Malalaman din kung hanggang saan hahantong ang kanilang kasikatan pagkatapos nilang madiskubre ang ibat ibang kinahinatnan ng mga sexy at bomba stars noon. At syempre, hindi mawawala ang mga physical challenges na susubukan kung tatagal ba ang kanilang kaseksihan.
Panoorin ang kakaibang challenges nina Maui at Andrea simula October 13-18, Lunes hanggang Biyernes, sa Extra Challenge pagkatapos ng Frontpage, dito lamang sa inyong nag-iisang Kapuso, GMA.