Isyu sa P4M na condo unit ayaw sagutin ni Ana
October 14, 2003 | 12:00am
Sa gala presentation ng Maynila
Sa Mga Kuko ng Liwanag stageplay na ginanap sa Phil. Columbian Assn. (PCA) Plaza Dilao, Paco, Manila, ginampanan ni Ana Capri ang katauhan ni Ligaya Paraiso. Si Allan Paule ang kapareha nito sa nasabing pagtatanghal na dinaluhan rin nina Bembol Roco, Edgardo M. Reyes, Gardo Vesoza, Bianca Lapuz at Zorayda Sanchez. Mula ito sa produksyon ng Villa del Rey Production ni Melinda del Rey. Dapat sana ay si Klaudia Koronel ang gaganap sa gala presentation pero hindi ito sinipot ni Klaudia dahil may exam siya nung araw na iyon sa New Era College.
Pilit naming inalam kay Ana Capri ang balitang four million pesos diumano ang nabili nitong condo unit at gaano ba ito katotoo?
Sabi kasi sa mga haka-haka, di na raw masyadong aktibo si Ana sa paggawa ng pelikula, papaano siya makakabili ng ganito kamahal na bahay? Sabi ng ilan, kesyo nakaipon naman daw si Ana kahit papaano. Meron namang balitang lumulutang na isang DOM ang nagregalo nito kay Ana. Ano ba ang totoo?
"Ayaw kong patulan ang isyu. Saka na lang natin uli pag-usapan yan. Kapag nagkita tayo at nagkatotoo nga," pagbibiro pa nitong sabi dahil tapos na ang five minutes break ng stageplay nito.
In fairness, napakagaling nitong si Ana Capri sa entablado. Lutang na lutang ang mga arte nila ni Allan Paule. Walang masabi si Bembol Roco sa ipinakitang husay sa pag-arte ni Allan sa dating papel na ginampanan din nito noon sa namayapang Director Lino Brocka film. BAC

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended