Jinggoy, Bong magbabangon sa 2004

Pitong buwan pa bago ang eleksyon sa taong 2004 ay paghahanda na ang mga isinasagawa ng mga artistang nagnanais na pumalaot bilang senador. Umuugong na ang mga pagpapahiwatig ng pangalan nina Imelda Papin, Claire dela Fuente, Cong. Imee R. Marcos, Manay Gina de Venecia at mga politicians celebrities na sina Tarlac Rep. Noynoy Aquino, dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, MMDA Chairman Bayani Fernando, DENR Sec. Heherson Alvarez, DTI Sec. Manuel Roxas, Tourism Sec. Richard Gordon, Manila Mayor Lito Atienza, DILG Sec. Joey Lina, Cebu Mayor Tommy Osmeña, ang mga re-electionists na sina Robert Jaworski at Robert Barbers, John Osmeña, Nikki Coseteng, Jinggoy Estrada at VRB Chairman Ramon "Bong" Revilla, Jr.

Sa mga nabanggit na pangalan sa itaas, inaasahang mas magbabanggaan ng husto ang puwersa nina dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada at VRB Chairman Bong Revilla, Jr.

Si Jinggoy ay planong patakbuhin ng oposisyon sa pagka-senador samantalang si Bong Revilla naman ay para naman sa senador ng administrasyon. Pero nang tanungin namin si Bong hinggil dito, aniya hindi siya nababahala sa banggaang magaganap sa kanila ni Jinggoy. Mas nababahala siya sa ibang personalidad pero hindi niya tinutukoy ng tuwiran kung sino iyon.

Ikinatuwa ni Bong ang naging desisyon ni Pangulong GMA na maging standard bearer ng Lakas for Presidential race ng administrasyon. "President Arroyo is the toughest president of all. Qualified na qualified siya para du’n. Expert na siya para gampanan ang kanyang tungkulin."

Kung tumakbo si FPJ tanong ko sa kanya.

"I’m sure hindi gagawin iyon ni FPJ. Tahimik ang buhay nito at very private siya sa tingin ko ayaw niyang tumakbo," sabi pa ni Bong.

Super higpit ang mga pagbabantay ng mga security ni Bong lately kaya pati ang pagsusyuting nito ay hindi na muna open kahit sa media dahil kamakailan lang ay namatay ang isang guard nitong si Costales. Dahil dito, lalong nahamon si VRB Chairman Revilla na pag-ibayuhin pa ang mga kampanya nito para puksain ang mga piracy sa bansa. Katatapos lamang nitong magsagawa ng raid sa Tutuban Mall. Inihayag pa ni Bong na sa pagdating ni US President George W. Bush, makakasama siya sa entourage ng Pangulo na sasalubong sa nalalapit nitong pagbisita sa bansa. — Boni A. Casiano

Show comments