Sino ang dalawang tandem ang mas may hatak sa My First Romance ?

Nakakatuwa ang ginanap na presscon ng My First Romance last Tuesday sa ABS-CBN 9501. Bukod sa mga main cast ng nasabing movie na sina John Prats, Heart Evangelista at Bea Alonzo (hindi nakapunta si John Lloyd Cruz dahil may sakit), naging tampulan ng mga tanong ang directors ng movie na sina Don Cuaresma at John-D Lazatin. Naging biruan ang pag-iintriga ng mga press sa kung anong istorya ang mas maganda sa dalawa. Magaling namang nasagot ng dalawang low-profile na director ang questions ng press. Confident na sinabi nina Direk Don at Direk John-D na parehong magugustuhan ang istorya ng twinbill movie.

One Love
ang title ng istorya nina Bea at John Lloyd. Madramang lovestory about a girl facing her fears of falling in love again after her boyfriend died. Two Hearts naman kina John at Heart na may mala-love and hate relationship na may isang nakakakilig na ending.

Before the showing of the movie, may mga naka-schedule na mall tours ang buong cast kaya siguradong aabangan ng mga fans. On October 29, showing ang My First Romance under Star Cinema.
* * *
Speaking of Bea Alonzo, isa sa pinaka-supportive of her projects ay ang Porsche Jeans headed by Mr. Dante Castillo at Mr. Patrick Loo. Si Bea ay napiling image model ng nasabing clothing apparel. Noon pa man ay tiwala na ang Porsche kay Bea dahil naniniwala sila na bagay ang batang aktres sa kanilang produkto. Sa pamamagitan ng pag-support sa My First Romance movie at sa iba pang ginagawa ni Bea, ito raw ang way ng Porsche to show their gratitude to Bea’s continuous trust sa nasabing damit.

Last week ay nagkaroon ng simpleng press launch ang Porsche bilang bahagi ng kanilang campaign. Very aggressive rin sila dahil anytime ay makikita rin ang mga bagong billboard ni Bea sa iba’t ibang lugar. Marami ang na-impressed sa magandang pictures ni Bea dahil halatang pinag-isipan ng mabuti ang concept.

Syempre, very happy si Bea sa rami nang nagtitiwala sa kanyang produkto. Hindi niya akalain na maaabot niya ang mga nararating niya ngayon. Overwhelmed siya at maging ang kanyang manager na si Archie Ilagan dahil nagbunga na rin ang kanilang hirap from the time na ni-launch si Bea bilang Star Circle 10.

Deserving naman talaga si Bea of all the blessings that she has been receiving. Hindi ko siya nakakitaan ng attitude mula pa ng makilala ko siya bukod pa sa napansin kong isa siya sa may potential na sumikat.
* * *
Puspusan ang rehearsal na ginagawa ng ABS-CBN para sa 50 years celebration. Kahapon ay nasaksihan ko mismo ang mga artists ng Talent Center pinangungunahan nina Diether Ocampo, Bernard Palanca at Jericho Rosales. Full force ang mga artists, choreographer at dancers pati ang buong staff na involved para masigurong okey lahat ang production number. Nakakatuwang tingnan dahil sa rehearsal palang ay 100% na ang performance ng mga artist.

Mismong si Mr. M (director ng nasabing special) ang tutok sa rehearsal.

Sa October 17, PICC gaganapin ang ABS-CBN special. Palalabas din on TV ang ilang buwang pinaghandaan ng Dos bilang pagdiriwang ng 50 years extravaganza.

Show comments