Punumpuno ang UP Theater na siyang pinagtanghalan ng 17th Star Awards for Television.
Ibat ibang kulay ng gown ng mga artistang babae at itim naman para sa mga kalalakihan. Naging matagumpay naman ang awards night kaya lang may mga katanungan ang mga katabi naming nasa media gaya ng pagiging kaunti ng attendance ng mga taga-GMA. Alam na kaya nila na ang mamamayagpag sa labanan ay ang ABS-CBN? Halos lahat ng mga artista at newscaster na naroon ay mga taga-Dos.
Ang kabuuang award na napanalunan ng Dos ay 32 at 14 naman sa GMA. Hindi namin alam kung nagbibiro si Korina Sanchez nang sabihing hindi niya alam ang pamantayan ng pagpili sa kanya o sa kanila nang manalo ang TV Patrol at Morning Girls.
Isa pang ipinagtataka ng karamihan ay kung bakit nanalo ang ASAP Mania over SOP. Sinuri ba nilang mabuti ang kabuuan ng show gayundin ang mga singers? Sabi nga nila, talunin ba ng ASAP Mania sina Regine Velasquez, Jaya at Lani Misalucha ng SOP?
Maraming nakapuna na malayung-malayo ang itsura ni Kris Aquino sa nakaraang awards night na dinaluhan nito. Kung superglamorosa siya noon ay napaka-simple lang niya ngayon. "Para siyang pupunta sa palengke," sey ng mataray na reporter na nasa unahan namin.
Pero ang hindi namin ma-take ay nang ihandog ni John Estrada ang kanyang tropeo bilang Best Drama Actor kay Vanessa del Bianco. Hindi ito nangimi na saktan ang damdamin ng ina ng kanyang mga anak na pinaghandugan din niya ng karangalan. Sana ay hindi na lang niya binanggit si Vanessa dahil di man masaktan si Janice de Belen ay insulto naman ito sa kanyang mga anak.
Scene-stealer talaga si Aiai delas Alas na nanalo naman sa kategoryang Best Comedy Actress dahil sa nakadekorasyon sa kanyang ulo na ang gumawa lang ay si Rosanna Roces.
As expected, nanalong Best Station ang Dos over Siyete.
Kahit nadagdagan ng timbang ay nanalo pa ring Female Star of the Night si Alma Moreno na hindi nagpatalbog sa production number kasama sina Rufa Mae Quinto at Regine Tolentino.
Magkahiwalay ng upuan sina Ricardo Cepeda at Snooky Serna pero nang tawagin ang pangalan ng aktres bilang Best Drama Actres ay sinamahan ni Ricardo ang asawa patungo sa stage. Nang matapos ay hinalikan niya ito sa labi habang kinukunan sila ng mga photographers. Pagpapatunay lang na tapos na ang hidwaan sa kanilang dalawa.
Ngayong tapos na ang Star Awards ay tiyak na maraming mga reaksyong matatanggap ang mga taga-PMPC. Kung negative man ito ay gamitin sana nila itong batayan para maging mas maayos at mas credible ang botohan sa susunod na awards night.
Tuwing tatawagin ang pangalan ng nobyo bilang nominee ay tuwang-tuwa ito at malakas ang palakpak bilang pagsuporta sa aktor.
Sa kabilang banda, taliwas naman ito kina Raymart Santiago at Claudine Barretto na nasa likuran ng upuan namin. Tahimik ang dalawa at hindi showy sa kanilang apeksyon gaya nina Ciara at John. Kapag nasa stage si Claudine ay matamang pinagmamasdan lang ito ng aktor dahil napakaganda rin sa kanyang simpleng pink gown.
Naimbitahan ito sa isang remote telecast na idinaos sa isang lugar sa Quezon City pero daig pa ang kontrabida dahil ni hindi ito ngumingiti man lang kahit tawagin ang pangalan ng mga fans.
Sayang dahil napaka-sweet pa naman ng kanyang mukha pero pagdating sa pag-uugali ay di ito grasiosa. Ni hindi rin siya marunong kumaway man lang. Bida ang aktres sa isang teleserye at split na sila ng kanyang sikat ding boyfriend na magaling na aktor.